Suspendido si Keifer Ravena dahil sa pagkapositibo nya sa tatlong sangkap na pinagbabawal ng 'World Anti-Doping Agency'

Suspendido si Keifer Ravena dahil sa pagkapositibo nya sa tatlong sangkap na pinagbabawal ng 'World Anti-Doping Agency'

- Ayon sa balita na nakuha ng KAMI sa 'Manila Bulletin,' na si Keifer Ravena ay suspendido dahil sa pagkapositibo ng tatlong substances ng pinagbabawal ng nasabing foundation.

- Hindi alam ng kilalang athleta na ang tatlong substances na ito na pinagbabawal ay tatlo pala sa mga sangkap na ininom nyang pre-workout drink.

- Dahil dito ay suspendido ng labing walong buwan ng 'FIBA,' ang world governing body para sa basketball.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laman sa mga balita ngayon ang pagkasuspendido ni Keifer Ravena.

Isa sa mga pinakamalungkot at masakit na balita na matatanggap ng isang athleta ay pagkasuspendido nila sa paglalaro.

At ito laloy masakit kung ang dahilan ng kanilang pagkasuspendido ay isang inosenteng pagkakamali pero kailangan pa rin sumunod sa batas.

Ayon sa nasabing balita, pagkatapos magtest na positibo sa mga nasabing banned na mga sangkap sa 'World Anti-Doping Agency,' ay sinuspendi si Keifer ng 18 months.

Ang tatlong banned na substances na nagpositibo si Keifer ay galing sa pre-workout drink na ininom nya na hindi nya alam na mayroon palang mga pinagbabawal na sangkap.

Inamin din ng sikat na athleta na una iyong pagkakataon na unimo sya sa nasabing inumin.

Kumalat kasi ang alingawngaw dahil sa biglaang pagka-pullout ni Keifer Ravena sa 'Sunday's PBA All-Star Week' na ginanap sa Iloilo City.

Kaya naman dali-daling tumawag ng press conference ang mga opisyales ng 'Samahang Basketbol ng Pilipinas' sa Mandaluyong City kahapon para ikumpirma ang sanction na pinataw ng 'FIBA' kay Keifer.

Tinanggap din naman ito ni Keifer at sinabing:

“I take full responsibility for my actions despite how painful the rule is."

At sa pagpapatuloy nya:

“I regret taking this pre-workout drink without analyzing and taking extra time to know what the ingredients are.”

Sa parehong sulat galing sa 'FIBA,' sinabi din daw doon na ang nasabing athleta ay masususpendi from February 25 sa taong ito hanggang August 29 sa susunod na taon.

Pero ang 'SBP o Samahang Basketbol ng Pilipinas' daw ang nagpadala ng sulat para sa paghahanap ng linaw sa status ni Keifer Ravena sa 'PBA.'

Ang ibig sabihin nito ay pinagbawalan si Keifer Ravena mula sa lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa basketball.

Visit HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel