Parang sanay na sanay kumarga! Maine Mendoza, bumisita sa anak ni Pokwang na si Baby Malia

Parang sanay na sanay kumarga! Maine Mendoza, bumisita sa anak ni Pokwang na si Baby Malia

- Spotted ang Kapuso star na si Maine Mendoza sa bahay ng komedyante na si Pokwang

- May video sila habang karga-karga ni Maine si Baby Malia

- Nagulat ang maraming netizens na magkaibigan pala ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang nagulat nang lumabas ang video ni Maine Mendoza sa bahay ng komedyante na si Pokwang.

Nalaman ng KAMI na nag-viral din ang video ni Maine habang karga-karga si Baby Malia.

Mapapanood sa video na ito ng YouTube ng Pinoy New Channel na aliw na aliw si Maine sa anak ni Mamang. Mapapansin din na tila expert sa pag-karga ng baby ang Kapuso star.

Sa Instagram account naman ni Malia ay nagpasalamat sila sa pag-dalaw ni Maine, "Maraming salamat ate @mainedcm sa visit!! Hope to see you again soon!! #AteMaine #BabyMalia #BabyOBrian"

Watch the video below:

Nagulat ang mga netizens na magkaibigan pala si Pokwang at Maine. Nagkaroon din sila ng mga spekulasyon na baka raw kumakatok na si Mamang sa kabilang network.

Read some of the comments from netizens below:

"Ay close pala sila?!"

"Nung nakita ko to kanina sa IG at hindi ko pa nababasa ang caption, akala ko namalikmata lang ako na si Maine yung may hawak kay Malia. Hehe Kyooot ni baby Malia."

"Wow!sana kapamilya ka na lng @maine"

"Ang sweet! Close pala sila ni Pokwang."

"Nagpaparamdam na ata sa GMA at Eat Bulaga si Pokwang."

Si Maine Mendoza ay isang Kapuso star na sumikat sa love team nila ni Alden Richards. Si Pokwang naman ay isang contract star ng ABS-CBN. Si Baby Malia ay ipinanganak noong January 18, 2018, na anak ni Mamang sa kanyang partner na si Lee O'Brian.

POPULAR: Read more news about Maine Mendoza here

Today, we are going to ask individuals from the Philippines whether they think a tomato is a fruit or a vegetable. What is your opinion? Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer?

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Raquel Pempengco reacts to Jake Zyrus's revelations in his book

Raquel Pempengco reacts to Jake Zyrus's revelations in his book

Raquel Pempengco reacts to Jake Zyrus's revelations in his book
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel