Si 'Queen Mother' momshie Karla Estrada may shinare na payo tungkol sa paghihintulot sa mga anak na mabuhay ng malaya

Si 'Queen Mother' momshie Karla Estrada may shinare na payo tungkol sa paghihintulot sa mga anak na mabuhay ng malaya

- Isa sa mga napakasikat na ina sa mga showbiz personalities natin ngayon ay si Karla Estrada.

- Siya lang naman ang butihing ina ni Daniel Padilla at dahil sa success at kasikatan ng anak na walang kaparehas ay tinawag na din si momshie Karla na 'Queen Mother.'

- Sa vlog nya shinare nya ang pagpaphintulot nya sa kanyang mga binatang mga lalaki na sin DJ at JC ng tumira ng hiwalay sa isa't-isa at sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa 'Magandang Buhay' host na si Karla Estrada sa vlog nya, sina Daniel at Carlito, ang dalawang binantang anak na lalake nya, ay nakatira ng hiwalay.

Unang nakita ng KAMI ang kwentong ito sa 'PEP.'

Saad ni momshie Karla:

“Ang advantage naman, of course, exercise na 'yan ng independence nila. At para din sa ating mga ka-Queen Moms na matanggap natin na hindi forever kasama ang mga anak natin sa buhay natin."

Dagdag pa nya:

“At a certain age, mga ganyang 20s, ngayon mas pabata na nga like, 18, medyo pinapakawalan mo na yung anak mo."
“Para ikaw din masanay ka, para hindi mahirap sa iyo kapag nagpamilya na sila.”

Ito ang mga paalala at payo ng queen mother sa mga katulad nyang mga mommies.

Pero inamin ni momshie Karla na sinasanay pa nya ang sarili nya sa bagong setup sa kanyang dalawang anak na lalaki.

Ayon sa kanya:

“Nagbe-benefit naman pareho kapag nahiwalay ka. Pero ako, hindi ko kayang malayo, diyan na muna."

Pero kinwento ni queen mother na nasa kabilang bahay naman daw sina DJ at Carlito at gate lang daw ang pagitan nila.

Pagpapaliwanag ni Karla:

“Ang advantage diyan, hindi na magpupunta lahat ng friends nila dito, na akyat-panaog diyan sa taas."

Sabay dagdag nya na paggising nya dati-rati, bagong gising pa lang ay meron ng mga kaibigan na dumarating sa kanyang mga binata.

Kaya itong bagong setup na ito ay maganda dahil hindi na daw sya napupuyat o mapupuyat dahil sa harutan at tawanan nila.

Pero binigyang diin nya na kahit ganyang ang set-up nila ay dapat nagkikita sila palagi araw-araw.

Saad nya:

"Every day nagkikita kami kahit diyan lang. Every day I call them, very important yun."

At pagbibigay importansya nya sa komunikasyon:

“Number one is communication, hindi dapat mawala sa mga anak na buhay ang mga magulang sa buhay nila."

Meron ding advice ang queen mother at ito ay:

“So whether they like it or not, tawagan niyo, di ba? Minsan, hindi ka nila sasagutin."

At patawang pagtatapos niya:

“Kapag naka-limang missed calls na, padalhan mo ng angry na emoji, magre-reply na yun."

Ang 43-year-old queen mother momshie Karla Estrada ay mayroong apat na anak na magkasundong-magkasundo at naghahang-out sa kanya.

Si Daniel Padilla ang panganay nya na anak nya kay Rommel Padilla na isang aktor din at kapatid ni Robin Padilla.

Ang pangalawa niyang anak ay si Jose Carlito or JC at ito ay anak nya sa singer na si Naldy Padilla.

Si Margaret or Magui naman ang ikatlo sa kanyang anak at itong babae nyang anak ay anak nya sa ex-councilor ng Quezon City na si Mike Planas.

At ang pinakabunso ay ang babae nyang anak na si Carmella na anak naman nya na pinakilala lang nya na isang nonshowbiz man na ang pangalan ay Patrick or PJ.

POPULAR: Read more news about Karla Estrada here

Visit HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dating OFW na ilang beses nabigo, nagaral at ngayo'y isa ng negosyante

Dating OFW na ilang beses nabigo, nagaral at ngayo'y isa ng negosyante

Dating OFW na ilang beses nabigo, nagaral at ngayo'y isa ng negosyante
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel