Galit na galit ang mga netizens sa isang ex-lawmaker dahil sa paglabag ng number coding scheme at pakikipagtalo sa MMDA

Galit na galit ang mga netizens sa isang ex-lawmaker dahil sa paglabag ng number coding scheme at pakikipagtalo sa MMDA

- Nagtrend ang former congressman sa mga news at online media sites dahil sa pakikipagtalo nito sa mga 'MMDA' officers kahit lumabag sa number coding scheme.

- Unang nalaman ng KAMI ang balitang ito sa 'PhilStar Global' at ayon sa balita ang nasabing ex-lawmaker ay ang dating congressman ng 2nd district ng Pampanga na si Emigdio Lingad.

- Noong Mayo 23, isang official ang nagsabi na isang former Pampanga congressman ang binanggit sa paglabag sa trapiko sa panahon ng operasyon sa paglilinis sa kalsada na isinigawa ng 'Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Bong Nebrija, ang operations officer ng 'MMDA,' nagsasagawa ng clearing operations ang mga enforcers ng kaniyang pamunuan sa Commonwealth Avenue malapit sa 'St. Peter's Church' sa Quezon City noong araw na iyon.

Sa kanilang pagsusuyod at paglilinis sa nasabing daan, naispitan nila ang kotse na minamaniho ni Lingad.

Saad ni Nebrija, ang former congressman ay diumano'y sinubukang hilingin sa mga nagpapatupad ng batas trapiko na huwag syang bigyan ng tiket.

Sa pagsasaad ni Nebrija:

“He refused to comply and introduced himself as a congressman but we still issued him a ticket. I told him we cannot give him any favors because we also apprehended many others for traffic violations."

Pero sa huli ay pinamulta ng 300 pesos para sa paglabag ng number coding scheme.

Ayon daw kay Nebrija, na ang dating congressman ay nagbigay ng expired driver's license pero kalaunan ay binigay ang kanyang bago na lisensya pagkatapos sabihan na ma-iimpound ang kanyang kotse dahil nagmamaniho sya na walang lisensya.

Dagdag pa ng operations officer ng 'MMDA,' na nakipagtalo pa daw si Lingad sa mga traffic enforcers at tinuruan pa sila tungkol sa kaniyang karapatan bilang motorista.

Siya ay pinaalis pagkatapos tiketan.

Maraming mga netizens sa Facebook ang galit na galit sa naturang dating congressman.

Ito ang mga ilang komento sa kanya na makikita sa post na ito na nasa taas:

"Unang una hindi ka na congressman, at kahit congressman ka pa, hindi ka nakakaangat sa batas.Mas dapat ngang ikaw ang maging ehemplo ng taumbayan sa pagsunod dahil isa kang dating pulitiko. Kudos sa MMDA."
"Salute MMDA.. may mga taonh nasa position lang or may nakakabit sa pangalan nila na kung ano ano (Kapitan, Congressman, Mayor etc) akala mo sino ng SUPREME LORD!!! Unang una coding ka. Pangalawa batas yan. Pangatlo dati kang empleyado mg Gobyerno. Dapat alam mo yan na lumabag ka sa batas!!! Tan**na ka!!! Kayo mga salot sa Pilipinas!!! Maaangas kapag nagka posisyon na!"
"...ganun porket kongresman ka libre kana ...kawawa talaga kaming mahihirap sa mga tulad nyo..."
"Anu Yan,,basta congressman excuse sa sa traficc rules,,mahiya ka nman sir"
"Ewan ko b dto sa.pinas.pg taong gobyerno ka taas ng tingin nio sa knila..baliktad dpat ang mga taong gobyerno ang nglilingkod stin hndi ung tayu ang ngmamakaawa sa knila kc una..tau nglukluk sa knila sa boto ntin.tau dn ang ngpapasweldo sa knila galing sa taxs ntin so dpat tau ang pingllngkuran nila.kaya nga kada eleksyon..mkikita mo cnsabi nila mglilingkod ng tapat..sa tao matulungin makatao malalapitan..db yan ung cnsabi nila.."

Pagkatapos matiketan, sinabi pa ni Lingad na:

"Investigate the administrator. How abusive the regulation has become!”

Ayon din sa balita hindi lang pala ang former congressman ang na-tiketan kung hindi pati ang isang vice mayor sa Samar.

Hindi na sinabi ni Nebrija kung sino ang naturang vice-mayor pero nagbayad ang nasabing pulitiko through sa kanyang official aide ng mga fines at nakuha din naman nya ang kanyang sasakyan at binalik sa Samar.

Saad ni Nebrija:

“She was asking not to be issued a ticket, but I told her it is our job. She complied and paid the penalties."

Watch more videos on HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition

Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition

Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel