Lalaking dalawang beses nang naholdap, nakita ang holdaper at kinausap pa niya na wag na siyang biktimahin muli

Lalaking dalawang beses nang naholdap, nakita ang holdaper at kinausap pa niya na wag na siyang biktimahin muli

- Viral ngayon ang isang conversation kung saan kinuwento ng isang lalaki kung paano niya nakitang muli ang holdaper na dalawang beses nang nambiktima sa kanya

- Nang makita niya ito sa may overpass, naglakas loob siyang kausapin na ito na wag na siyang biktimahin pang muli

- Nakuha pang mag-sorry ng holdaper sa biktima at sinabing tatandaan na niya ang mukh anito upang di na muli siya mabiktima

PAY ATTENTION: Click "See first" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang facebook post ni Remz Tolentino kung saan binahagi niya ang screenshot ng isang usapan tungkol sa isang lalaking dalawang beses di umanong naholdap ng parehong hodaper.

Ayon pa sa post, nakita muli ng biktima ang holdaper sa parehong lugar kung saan siya nabiktima nito.

Nalaman ng KAMI naglakas loobang biktima na kausapin ang holdaper.

Aniya, "Kuya wag mo na ako holdapin, nakuha mo na lahat ng cellphone ko pati wallet."

Natawa daw ang holdaper at nakuha pa daw nitong 'mag-sorry.'

"Sige hindi na, tatandaan na kita," dagdag pa ng holdaper, sabay 'apir' pa sa kanyang biktima.

Samantala, umani ito ng iba't ibang nakakatawang reaksyon mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Tropa na sila"

"Oh atleast safe na siya"

"Sana inaya mo muna mag-Mcdo at nagkwentuhan pa kayo!"

"Aus to ah, new found friend!"

"Atleast may bago siyang kaibigan na poprotekta sa kanya sa ibang holdaper"

Narito ang kabuuan ng facebook post ni Remz Tolentino:

Sadyang iba't-ibang reaksyon ang maari nating maramadaman sa pangyayaring ito.

Gayunpaman, dapat pa rin tayong mag-ingat dahil di mo na talaga masasabi ang takbo ng panahon ngayon.

How safe is Manila for girls at night? Social Experiment: Is Manila safe for Women at night 2018 Human Meter on KAMI Yoututbe Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Fact check: Is it holiday on December 26 and January 2?

Fact check: Is it holiday on December 26 and January 2?

Fact check: Is it holiday on December 26 and January 2?
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel