Binatang lalaki na may facial deformity pinatunayang hindi hadlang ang kahit ano mang kapansanan para abutin ang mga pangarap

Binatang lalaki na may facial deformity pinatunayang hindi hadlang ang kahit ano mang kapansanan para abutin ang mga pangarap

- Sumikat ang binatang lalaking ito dahil sa kanyang angking galing sa pagpipinta at sa katunayan ay naitampok siya sa '24 Oras' ng Kapuso network.

- Pinatunayan ni Rizal Peralta Gutierrez ng Apalit, Pampanga na ang kapansan ay hindi balikid sa pagpatuloy ng kanyang hilig sa pagpipinta.

- Naispitan ng KAMI ang kahangang-hangang kwento ng binatang ito sa 'GMA News' at kami ang ay natuwa at namangha sa kagalingan ng binata.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang nasa itaas na larawan ay ang binatang nagtrending kamakailan lang dahil sa kanyang angking galing sa pagguhit at pagpinta na si Rizal Peralta Gutierrez.

Sa ulat na binahagi ni Bernadette Reyes sa '24 Oras' sa 'GMA News,' ang mga obra na ginuhit ni Rizal ay ang mga obra nina Rizal, Pangulong Rodrigo Duterte, bokalista ng bandang 'Eraserheads' na si Ely Buendia, at and news anchor na si Mel Tiangco.

Ayon sa 19-year-old na binata, gusto nyang maging isang arkitekto balang araw.

"Gusto ko po maging isang architect balang araw."

Humarap na sa apat na operasyon na sa kanyang mukha.

Ang kanyang mga obra ay hindi basta-basta dahil isa sa kanyang obra ni Rizal ay naibenta nya sa halagang anim na libong pesos o 6,000 pesos.

Samantala, ang ina ni Rizal na si Gina Gutierrez ay buong-buo ang tiwala sa kanyang anak na sa huli ay makakamit din niya ang kanyang pangarap balang araw.

Kinwento din ng ina paano nakilala o nagsimula ang kanyang anak.

Ang sagot nya:

"Nasa isang sulok daw po ayun po doon siya nakita ng teacher ayun po doon nagsimula 'yung ano... may nagpa-drawing na teacher."

Sa pagtatapos, ay sinabi ng ina na:

"Sana nga mapagbutihan pa niya 'yung [talento] niya para maabot niya 'yung pangarap niya."

Madami ang mga netizens ang natuwa at naantig sa kwent ni Rizal kaya marami sa kanila ay nag-iwan ng komento o mensahe para sa binata.

"Pagpalain ka ng may kapal Rezal mabuhay ka kaibigan sana matupad mo ang hiling mo sa lahat ng gusto mo."
"Galingan MO tol kaya MO yan"
"idol pag uwi q.. jan sa pinas... bibili aq ng drawing mo... or mag pa drawing aq sau.... nan dito aq sa Qatar ngaun... taga pangasinan aq... sa Dagupan city... take care always idol...."
"Bawat tao ay may angking talento mula sa dyos ang kaylangan lang ay linangin at gamitin sa mabuti isa lamang ang buhay ng tao,, ngunit kung ieenjoy mo ang ang buhay ng walang tinatapakan sundin ang iyong passion ang isang buhay ay sapat na...."

Check out more BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot

May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot

May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel