Neri Naig, may rebelasyon kung bakit nangbabae si Chito Miranda

Neri Naig, may rebelasyon kung bakit nangbabae si Chito Miranda

- Nireveal ni Neri Naig na nangbababae noon si Chito Miranda bago sila ikasal

- Nagbigay siya ngayon ng bagong mga detalye kung paano at bakit siya niloko noon ni Chito

- Ayon kay Neri, mababaw daw ang rason ng pambababae ng singer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinakita muli ni Neri Naig ang pagiging honest niya at ang matindi niyang pagmamahal sa kaniyang asawa na si Chito Miranda.

Nalaman ng KAMI na nagbigay ng mga detalye si Neri ukol sa naging pambababae noon ni Chito.

“Ang lagi ko talagang sinasabi sa kanya noon, ‘Alam mo perfect ka na sana eh, kung di ka lang malandi.’ Yung kalandian naman ni Chito, pagpapacute lang sa mga girls. Hindi naman umaabot sa punto na may mangyayare sa kanila nung mga kalandian niya. Takot naman siyang magkaron ng sakit. At kung siguro kung ganun level ang kalandian niya, malamang matagal na kaming wala,” sinabi niya sa nerimiranda.wordpress.com.

Ni-reveal din ni Neri kung bakit nangbabae noon si Chito.

“Gayun pa man, kahit landian texts at calls lang, cheating pa rin yun. Bakit pa siya maghahanap ng atensyon ng iba? Kulang na kulang pa ba? I asked him kung bakit. Pride na lang daw. Ego. Para maramdaman daw niya na may nagkakagusto pa rin sa kanya kahit tumatanda na siya. Napaka shallow di ba? Pero yun daw talaga yun. Hindi siya naghahanap ng kapalit ko, puro yabang lang na meron pa ring nagkakagusto sa kanya kahit taken na siya…”

Paano kayang nagawang mapatawad ni Neri at mapagkatiwalaang muli si Chito kahit paulit-ulit siyang niloko nito?

“So ano nga ba ang ginawa ko? Pinatawad ko ng paulit ulit si Chito kase mahal ko siya. Mahal na mahal. Sobra…

“Madali bang patawarin si Chito? OO. Dahil nga mahal na mahal ko, at dahil rin tanga ako at nagpapakamartyr noon, ok na ulit kami. Pero ang maganda kay Chito, grabe din effort niya kapag nagsosorry…

“Hindi ko siya inaaway. Lagi ko kasing sinasabi sa sarili ko at kay Chito na kapag nagpatawad ka dapat buong buo... Never akong nag-nanag sa kanya, never ko siyang sinumbatan sa mga kasalanan niya...

“Mabait kase si Chito pero syempre may mga sablay din siya, ayun ang mga ikinasasama ng loob ko pero hindi kay Chito mismo. Saka bago ako sumabog o magalit na lang sa kanya, iniisip ko lahat ng magaganda niyang katangian...

“Forgive yourself. Minsan kapag may kalandian si Chito dati nung mag boyfriend girlfriend palang kami, iniisip ko baka sa akin ang mali. Baka kulang pa. Baka kailangan ko pang maging better girlfriend sa kanya. Sinisisi ko pa ang sarili ko. Pero sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung saan ako nagkulang. Hindi dapat ganun… Alam ko ang self worth ko at I deserve to be treated well kase wala namang mali sa ginagawa ko eh.”

Kinasal sina Chito Miranda at Neri Naig noong 2014, ang una ay isang civil wedding na ginanap noong December 13 at kinabukasan ay sinundan ng isang formal wedding sa Tagaytay.

Noong August 2015, nakunan si Neri na labis na ikinalungkot ng mag-asawa. Ipinanganak ang panganay nilang si Alfonso "Miggy" noong November 23, 2016.

This heart-stopping video proves that there’s still a lot to be done when it comes to keeping women safe in our cities. Social Experiment: Is Manila Safe at Night for Women in 2018? – On KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Usap-usapan online ang diumano'y tila pagbabalik ni Super Sireyna Sabel Gonzales

Usap-usapan online ang diumano'y tila pagbabalik ni Super Sireyna Sabel Gonzales

Usap-usapan online ang diumano'y tila pagbabalik ni Super Sireyna Sabel Gonzales
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel