Netizen, naantig sa isang sekyu na bitbit ang anak sa trabaho

Netizen, naantig sa isang sekyu na bitbit ang anak sa trabaho

- Isang netizen ang naantig ang puso sa isang security guard kung saan kasa-kasama niya ang kanyang anak sa trabaho

- Lakas loob na tinanong ng netizen kung ano ang sitwasyon ng anak ng sekyu, at nalaman nilang premature pala ito kaya matamlay

- Umani ng positibong reaksiyon mula sa mga netizens ang larawan ng mag-ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa panahon ngayon, bibihira na tayong makakita ng mga ama na siyang nag-aasikaso sa kanilang mga anak.

Kadalasan kasi ang mga tatay ang nagtatrabaho para may kitain na pera na siyang bubuhay sa kanilang pamilya.

Ngunit nalaman ng KAMI na ibang klase ang tatay na ito kinaya ang sabay na pagtatrabaho at pag-aalaga sa kanyang anak.

Naantig ang isang netizen at kanyang pamangkin na nakita ang sitwasyon ng isang security guard na bitbit ang anak sa trabaho dahil siguro ay walang mag-aalaga dito.

Ayon sa post na binahagi rin ng The Filipino Insights sa Facebook, Napansin daw agad ng netizen ang sekyu dahil karga nito ang kanyang anak.

Naglakas loob ang metizen kung ano ang sitwasyon ng bata at dun niya natuklasan na premature pala ito nang isilang kaya naman matamlay ito.

Sabi pa ng netizen, belib siya sa security guard dahil nagagawa nitong pagsabayin ang trabaho at pag-aaruga sa anak.

Samantala, umani naman ito ng iba't ibang positibong reaksyon sa mga netizen.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Bibihira ang lalaking ganito kabait na tao. Kng iba yan hayaan na lng ang anak nya. Bagkos yong iba pag nalaman na nabutis nila ang isang ba ae tinatakbuhan na lng.kaya sir mabuhay ka at ang anak mo na lumakas pa lalo."

"Bibi hira lang ang tatay na gani to ..... Tatay salu do ako sayo"

"God bless u both"

"Advance father’s day guard"

Tunay na kahanga-hanga ang pinakitang pag-aalaga ng tatay na security guard na ito.

Buti na lamang din at pinayagan sila marahil ng may-ari ng kanyang pinagtatrabahuhan at naiintindihan ang sitwasyon ng mag-ama.

Are you ready to take the first step to getting your dream body? Fat Burning Exercises: HIIT Cardio Workout with Chrystalle | Bekami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa

Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa

Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel