Anak ng oFw na nagtrabaho na rin abroad, pinauwi na ang inang matagal nang di nakabalik sa Pinas
- Minsang nasumbatan ni J.A. Pascual ang kanyang ina na matagal nang di nakakauwi ng Pilipinas dahil sa sobrang pagtatrabaho abroad
- Pagtatapos niya sa kolehiyo lang niya nalaman na hiwalay na pala ang kanyang mga magulang at ang nanay na lang niya ang kumakayod para sa kanilang magkakapatid
- Nang makatapos, nagdesisyon si J.A. na sunsunin ang ina para makuwi na sa Pinas at si J.A na lamang ang magtrabaho para sa kanilang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Numero unong kalaban ng mga pamilyang oFw ang ang layo nila sa isa't isa at ang nawawalang oras na di sila magkakasama.
Ang masaklap pa, sa mga anak ng oFw na naiiwan sa bansa, minsan di pa nila lubos na nauunawaan ang mga pangyayari kumbakit kailangan pang lumayo ng kanilang mga magulang.
Gaya na lamang ng kwento ni J.A. na minsan pang nagtampo sa nanay niyang oFw dahil di na sila nito inuuwian.
Nasabihan pa niya ang kanyang ina na mahalin na lamang ang mga inaalagaan sa Bahrain at sila na lamang ang ituring na mga anak nito.
Nang nagtapos siya ng kolehiyo, lalong nagtampo si J.A. nang di nakarating ang kanyang mg magulang sa kanyang graduation.
Dito lang niya nalaman na hiwalay na pala ang kanyang mga magulang at tanging ang ina na lamang niya ang nagtatrabaho para sa kanilang magkakapatid.
Kaya naman ng nakapagtapos si J.A., nagdesisyon siyang sunsunin ang kanyang ina sa Bahrain.
Mas nauwaan na ni J.A ang lahat ng dinanas nila lalo na ng kanyang ina.
Narito ang kabuuang kwento ni J.A. na bunahagi sa KAMI.
Noong bata pa ako nasa edad 10 taon gulang, simple lang pangarap ko ang mag-aaral hanggang makatapos. Graduate ako ng high school wala ang aking ama at ina, sila ay OFW. 6 kami magkakapatid, lola ang nag-aalaga. Noong araw na iyon galit na galit ako sa aking mga magulang, panay sabi na uuwi pero hindi naman natutupad. Ako ay nasa kolehiyo na, lagi kong sinasabi ang mag abroad ay hindi ko pinangarap. Hindi ko tularan ang aking mga magulang, bawat may nababasa ako tungkol sa OFW ay hindi ko didaramdam.
Araw ng aking graduation sa kolehiyo hindi pa rin dumarating ang aking mga magulang. Tinanong ko si kung lola bakit wala sila, sabi ni lola ang iyong Ama at Ina ay matagal nang hiwalay. Ang iyong ina na lamang ang kumakayod para sa inyo. Kung uuwi ang iyong ina, malamang hindi ka nakapagtapos ng pagaaral. Katulong lang ang iyong ina hindi nakapag aral ng kolehiyo kaya huwag kang magalit sa iyong ina. Nagpapakahirap siya hindi makauwi ang iyong Ina kasi panay advance sahod sa amo niya. Hindi ko mapigilan ang umiyak, hindi ko alam hiyang hiya ako sa aking ina, na nooy sinasabi ko mahalin niya mga alaga niya kasi sila ang kanyang mga anak.
Nakapagtrabaho ako sa isang Engineering Structure sa Lungsod ng Baguio at ok naman ang sahod, pero di kakayanin kasi 2 kong kapatid ay koliheyo, may high school at elementary pa. Naisip ko ang aking ina na hindi pa rin umuwi. Biglang sumagi sa aking isip na mag abroad, di ko pinaalam kay lola at sa aking ina na nag apply ako. Sa awa naman natanggap ako. Sabi ko sa aking lola; Lola hindi ako makakauwi kasi na assign ako sa Maynila bilang supervisor ganun din ang sinabi ko sa aking ina na hindi nila alam na lipad ko na pala patungong gitnang silangan (middle east) ng bansang Bahrain. Umabot ng 2 buwan sobrang namiss ko ang aking mga kapatid, lalo na sa aking ina na nandito rin sa bansang Bahrain. Hinanap ko ang address ng pinagtratrabahuan niya at sa awa ng diyos nahanap ko na. Nag “DoorBell” ako at biglang may sumagot " Alam ko boses ni Nanay, 'Nay ikaw ba yan, ako to si J.A. Pascual biglang nawala binaba ang phone may lumabas sa maliit na gate nakita ko ang aking Ina, subra na niyang tanda. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, na halos lumabas na ang mga ugat, bigla kong sinabi Nanay umuwi kana sa atin, ako nalang ang magtratrabaho, umuwi kana, sabay iyak ng aking puso na pagkasabi. Biglang tinawag ang aking Ina ng amo nya nagtanong kung sino (I told you; visitor or family are not allowed to go here, galit ang amo niya) Sabi ko madam i am her son i miss my mother.
............... Arabic hindi ko na intindihan ang mga sinasabi kasi bago lang ako. Sabi ni Nanay magbayad daw siya ng BD1,000 bahrain dinar, yun ay advance ng aking Ina sa sahod niya at payagan na siyang umuwi ng Pilipinas.
Tumawag agad ako sa mga katrabaho ko na uutang sa kanila, nakabuo ako ng bd1,000 at umuwi na si Nanay.
Sa ngayon, 2 na taon na akong nagtratrabaho bilang OFW naintindihan ko na si Nanay kung bakit di siya makauwi uwi noon dahil sa pinipilit niya kaming patapusin ng pag aaral.
Sa mga anak na nasa Pilipinas intindihin po natin si Nanay o Tatay kung hindi man makauwi sa mahalagang okasyon ngayong Marso, Abril o Mayo 2018.
Thank you to the Reader,
J.A. PASCUAL
Overseas Filipino Worker
Manama, Bahrain
Are you ready to take the first step to getting your dream body? Fat Burning Exercises: HIIT Cardio Workout with Chrystalle | Bekami on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh