Well deserved gift! Yassi Pressman nerigaluhan ang sarili ng van na halos 3 milyon ang halaga

Well deserved gift! Yassi Pressman nerigaluhan ang sarili ng van na halos 3 milyon ang halaga

- Masayang ibinahagi ni Yassi Pressman sa kanyang Instagram ang kanyang regalo para sa kanyang sarili

- Ayon sa mga ulat, nagkakahalang halos 3 milyon ang halaga ng van na kanyang binili para sa kanyang kaarawan

- Nabili niya daw ito sa kalahati ng totoong presyo nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumili ng regalo para sa kanyang kaarawan ang aktres na si Yassi Pressman. Meron na siyang Hyundai H350 van na ayon sa kanya ay magagamit niya pag siya ay nasa taping.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram, "Just got my new big baby 2 days ago!! Thank you so much #HyundaiAlabang! This will be my extended home promise hahaha! Siguradong magagamit ko po to palagi sa mga tapings and long drives with my family," aniya.

Ayon naman sa Top Gear Philippines, ang van na ito ay nagkakahalaga ng Php2,688,000 - Php2,728,000.

Naibahagi naman ng aktres sa isang panayam sa PEP na nakuha niya ito sa kahalating halaga.

Si Yassi Pressman ay kasalukuyang bahagi ng "FPJ's Ang Probinsiyano" bilang asawa ni Cardo na ginagampanan ni Coco Martin. Matatandaang lalong naging maningning ang karera ng aktres simula nang mapasali siya sa Pinoy Big Brother.

BBOOM BBOOM Dancing Challenge- on HumanMeter

How would you react when you see a beggar dancing to a viral dance craze? Check out this video and enjoy the reactions of the people watching.

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel