Humingi ng pang-unawa! Ama ni JM de Guzman, humingi ng dispensa sa kanyang nagawa

Humingi ng pang-unawa! Ama ni JM de Guzman, humingi ng dispensa sa kanyang nagawa

- Humingi ng dispensa ang aktor na si JM de Guzman dahil sa nasaktan niya daw ang damdamin ng ama

- Gayun din ang ama, humingi din ng tawad dahil sa kanyang inasal at humingi ng pang-unawa

- Ibinahagi ni Ronniel de Guzman ang video nang lumabas siya sa rehab at nakasama ang pamilya matapos ang limang buwang pamamalagi sa rehab

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Ronniel de Guzman, ama ni JM de Guzman ang isang video na nagpapakita ng kanilang pagtatagpo matapos ang limang buwan sa loob ng rehabilitation center.

Binalikan ng ama ang kanilang pinagdaanan noong mga panahong iyon.

"Kaya masakit sa bangs pag may nangyari pa uli kay JM. We’ve come so far. Sana maintindihan nyo ako. I’m sorry kung may nasaktan akong mga tao na alam ko malapit sa puso ng anak ko," pagpapaliwanag niya.

Marami ang natuwa sa paghingi ng dispensa ng aktor na si JM de Guzman sa amang si Ronniel de Guzman. Ito ay matapos tila nagakaroon sila ng mainit na palitan ng salita sa social media.

Sa isa sa kanyang Instagram Story, ayon sa aktor ay hindi naman dapat mang-insulto kapag may pinatutunayan ang isang tao.

Sa kanyang Instagram Story noong Biyernes ng gabi, May 25, nagbahagi ng quote card si JM na nagsasabing hindi kailangang mang-insulto ng kapwa upang patunayan ang paninindigan sa isang argumento.

Inamin ni JM ang kanyang pagkakamali at nag sorry siya dahil nasaktan niya ang damdamin ng kanyang ama. “I WAS WRONG. sorry for hurting your feelings.. im really sorry dad. I love you.. @ronnieldeguzman”

Sabi pa niya “You don’t have to disrespect and insult others simply to hold your own ground. If you do, that shows how shaky your own position is.”

Tila nagkasagutan at nagparinigan ang dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga post sa Instagram. Kaya naman sa tingin ng maraming netizens, ang makahulugang mensaheng ipinost ni JM ay para sa ama.

Sa kanyang Instagram story, isang lalaking naka shades at hoodie ang kanyang ibinahagi. Nakasulat dito ang tila paghahayag niya ng sama ng loob.

“OK, YOU WANT ME UP IN A CAGE THEN I'LL COME OUT IN BEAST MODE.”

BBOOM BBOOM Dancing Challenge- on HumanMeter

How would you react when you see a beggar dancing to a viral dance craze? Check out this video and enjoy the reactions of the people watching.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, sinundo sa taping si Erich Gonzales na may sakit daw at inuwi sa kanilang bahay para alaagaan

Kris Aquino, sinundo sa taping si Erich Gonzales na may sakit daw at inuwi sa kanilang bahay para alaagaan

Kris Aquino, sinundo sa taping si Erich Gonzales na may sakit daw at inuwi sa kanilang bahay para alaagaan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel