Forever daw niya ma mi-miss ang kanyang mama.. Ruffa Mae Quinto, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ina

Forever daw niya ma mi-miss ang kanyang mama.. Ruffa Mae Quinto, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ina

- Ibinahagi ng komedyanteng si Ruffa Mae Quinto ang kanyang nararamdaman sa pagpanaw ng kanyang ina

- Ibinahagi niya ang kanilang huling litato kasama ang anak niyang si Alexandria

- Bumuhos naman ang pakikiramay ng kanyang mga supporters at fans

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinuhos ni Ruffa Mae Quinto ang kanyang damdamin sa isang madamdaming post tungkol sa pagkawala ng kanyang ina.

Nagbalik tanaw siya sa masasayang oras kasama ang kanyang mama Carol. Sa isang litrato kasama ang anak na si Alexandria, ibinahagi ni Ruffa Mae ang kalungkutan.

“Ma, I love you. Lagi ko tatandaan yung sinabi mo na wag ka matakot, maging matapang ka para sa anak mo. Ang sakit mawalan ng ina mommy Carol. Rest in peace. We love you.”

Nagkuwento din siya tungkol sa litratong ayon sa kanya ay pinakahuli nilang kuhang magkasama.

“Ang picture na ito kuha 2 weeks ago kasi 3 generations kami dito. Ito na pala ang last picture natin pero forever we will miss you. Birthday ko pa naman.

Nawala man daw ang ina, nasaksihan pa umano nito ang unang kaarawan ng apo niya at ang kanyang pagpapakasala kaya alam ni Ruffa Mae na matatahimik daw ang kanyang ina.

At least pumikit ka lang at natulog. Nakita mo ang apo mo. Naka attend ka ng first birthday ni [Alexandria] at nakita mo ako kinasal, lumagay sa tahimik. Kaya ikaw din, tahimik na.”

Si Ruffa Mae Quinto na kilala bilang si Booba ay isa na ngayong kapamilya. Bahagi siya ng Home Sweetie Home na mapapanood tuwing Sabado sa Abs-cbn.

BBOOM BBOOM Dancing Challenge- on HumanMeter

How would you react when you see a beggar dancing to a viral dance craze? Check out this video and enjoy the reactions of the people watching.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel