May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

- Kilala ang asong si Hachiko sa pagiging tapat sa kanyang amo

- Kaya naman ipinagtayo siya ng rebulto sa Akita, sa isang train station

- Kamakailan lang, isang pusa ang namataang nakaupo sa tabi ng rebulto ni Hachiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May karamay na sa kanyang pag-aantay ang matapat na aso na si Hachiko. Ang kanyang rebulto ay nakatayo sa Akita na isang patunay na ang aso ay talaga man's bestfriend.

Isang pusa ang tila nag-aantay din sa kanyang amo ang pumuwesto sa ilalim ng rebulto ni Hachiko.

Ang rebultong gawa sa tanso ay itinayo sa isa sa mga exits ng Shibuya Station. Sa katunayan, ang pelikula tungkol sa katapatan ng aso na si Hachiko ay sa sa pinaka sikat na mga pelikula.

Sa tagal ng kanyang pag-aantay, tila ang pusang ito ang bukod tanging nakiramay sa asong nangungulila sa kanyang amo.

Ang pusa ay natutulog ng mahimbing sa ilalim ng rebulto ni Hachiko na tila walang pakialam sa lahat ng taong dumadaan at kumukuha ng litrato sa rebulto. Ang nasabing pusa ay hindi naman mukhang kulang sa pagkain at malinis din.

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

Via Abs-cbn news

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

Via Abs-cbn news

Hindi daw ito ang unang pagkakataong binisita niya si Hachiko dahil makailang beses itong namataan sa nasabing lugar.

Ayon sa kwento ito ang lugar kung saan inaabangan palagi ni Hachiko ang kanyang amo hanggang sa hindi na ito nakarating dahil inatake ito sa puso. Simula noon, hindi na umalis ang aso sa pag-asang makikita niya uli ang kanyang amo. Doon na rin siya binawian ng buhay.

BBOOM BBOOM Dancing Challenge- on HumanMeter

How would you react when you see a beggar dancing to a viral dance craze? Check out this video and enjoy the reactions of the people watching.

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel