Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

Daniel Matsunaga, mariing itinanggi na kamukha ng present girlfriend niya na si Karolina Pisarek si Erich Gonzales

- Naging bali-balita na kamukha raw ni Erich Gonzales ang present girlfriend ngayon ni Daniel Matsunaga na si Karolina Pisarek

- Di pumapayag at mariing tinatanggi ni Daniel ang pagkakahawig ng dalawa

- Nagkakilala sina Daniel at Karolina nang nagpunta ang Polish model sa bansa para sa isang advertising campaign

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na sa wakas si Daniel Matsunaga sa bali- balita na magkamukha ang kanyang ex-girlfriend na si Erich Gonzales at present girlfriend na si Karolina Pisarek.

Nalaman ng KAMI na naging bali-balita raw na kamukha ni Erich si Karolina na parang pinalalabas na di pa nakaka-move-on ang aktor sa kanyang ex.

Ayon sa panayan ng philstar sa aktor/model, mariing tinanggi daw ito ni Daniel at sinabing ibang-iba ang dalawa sa isa't-isa.

“She doesn’t! Totally different!” pagdidiin ni Daniel.

Masaya si Daniel sa piling ng kanyang Polish girlfriend at tinuturing na niya na ito na "the one" para sa kanya.

“She’s also part of showbiz in Poland… She’s very famous. Everywhere we go, people want to take pictures with her. There’s paparazzi everywhere even when we’re just walking the street,” kwento ni Daniel.

Ayon pa kay Daniel, alam ni Karolina ang lahat tungkol sa kanyang mga ex-girlfriends na sina Heart Evangelista at Erich Gonzales.

Nagkakakilala sina Daniel at si Karolina nang pumunta ang polish model dito sa bansa para sa isang advertising campaign.

Si Karolina ay isa sa mga runners-up ng America's next top model ng Poland noong 2015.

Celebrity din siya sa kanilang bansa kaya naman pati Daniel ay sikat na rin doon bilang boyfriend ni Karolina.

At dahil nakakapagsalita na si Daniel na maaring si Karolina na nga ang para sa kanya, sa tingin din ng Brazilian-Japanese model na tapos na siya sa mga Filipina.

Are you ready to take the first step to getting your dream body? Fat Burning Exercises: HIIT Cardio Workout with Chrystalle | Bekami on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, sinundo sa taping si Erich Gonzales na may sakit daw at inuwi sa kanilang bahay para alaagaan

Kris Aquino, sinundo sa taping si Erich Gonzales na may sakit daw at inuwi sa kanilang bahay para alaagaan

Kris Aquino, sinundo sa taping si Erich Gonzales na may sakit daw at inuwi sa kanilang bahay para alaagaan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel