Doctor at nurse tulog! Netizen, isiniwalat ang kapabayaan ng isang ospital na siyang dahilan ng pagkamatay ng kanyang lola

Doctor at nurse tulog! Netizen, isiniwalat ang kapabayaan ng isang ospital na siyang dahilan ng pagkamatay ng kanyang lola

- Isang netizen na may pangalang Ssirc Htiaf ang buong tapang na isiniwalat ang kapabayaan ng Rizal medical Center

- Nakunan ng netizen na natutulog ng sabay sabay ang mga nurses at maging ang doktor ng ospital

- Nakunan ng netizen na natutulog ng sabay sabay ang mga nurses at maging ang doktor ng ospital na ginising na niya upang patingnan ang kalagayan ng lola niyang puno na ng dugo ang bibig dahil sa NGT

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaabahala ang isiniwalat na video at mga larawan ng isang netizen kung saan nakunan niyang tulog ang doktor at mga nurses ng Rizal Medical Center.

Nalaman ng KAMI di lamang ito ang naging kapabayaan ng nasabing ispital dahil tumagal pa doon ang pasyente ng tatlong araw na puro 'kapalpakan' daw ang ginagawa ng mga empleyado nito.

Ayon sa kwento ng netizen na may pangalang Ssirc Htiaf sa facebook, sinugod daw niya sa ospital ang kanyang lola noong Mayo 21, bandang alas tres ng hapon. Ngunit tumagal ito sa emergency ward ng dalawang araw sa kadahilanang wala pa raw bakanteng kwarto.

Tila 'routine' na raw ng mga doktor at nurses sa Emergency na matulog ng mga oras na 2:30 ng madaling araw hanggang tinatayang 4:00 ng umaga.

Habang nahihimbing ang mga ito sa pagkakatulog, sinubukan ng netizen na gisingin ang doktor upang humingi ng tulong sapagkat puno na raw ng dugo ang bibig ng kanyang lola at nabubulunan na daw ito.

Gumising ang doktor ay sinabing oo, ngunit sa kasamaang palad, bumalik pa rin ito sa kanyang pagkakatulog.

Naiintindihan naman daw ng netizen na nakararamdam din naman ng pagod ang doktor at mga nurses ngunit ang tanong niya, bakit ito sabay sabay.

Di lamang ito ang ang idinadaing ng netizen sapagkat marami na rin siyang kapalpakang napansin na ginagawa ng ospital.

Ito raw marahil ang dahil kumbakit mas napabilis ang buhay ng kanyang lola na imbis na gumaling, sa libing nauwi.

Narito ang buong salaysay ng facebook user na si Ssirc Htiaf na sana ay makarating sa kinauukulan.

Open letter to the goverment of the philippines:

#rizalmedicalcenter hospital

Sobrang nakaka disappoint!!

#EMERGENCYROOM

Imbis na humaba ang buhay ni nanay lalong bumilis ang buhay nya dahil sa hindi nyo ginawa ang trabaho nyo ng tama...

"Sinugod po si nanay sa ospital ng MAY 21,2018 3:00pm tumagal po sya sa ER for two days dahil sa kadahilanan na wala p daw bakante sa WARD. from the first day nya sa ER ganito ang normal routine ng mga doctors at nurse. pag dating ng 2:30 am untill 4:30am mahimbing ang tulog ...

Lumapit aq sa doctor na yan naka grey shirt at ginising ko... tinanong ko kung pwd i suction yung lola ko dahil yung bunganga nya ay puno na ng dugo at nabubulunan dahil sa pag kaka salpak ng NGT sa kanya... ang sabi ng doctor n yan ay sige! Pero bumalik ulit sa pag kaka tulog.... kaya naisip kong kumuha ng video at picture.. bkit kailngan nilang matulog e nasa trabaho sila... okay lng nmn mgpahinga kc alam kong nakakapagod trabaho nila pero bkit sabay sabay..?

Kalbaryo din bago naikabit ang NGT n yan.. yung 1ST DR na nag attemp ay nka 3 try hindi kinaya kaya nirefer sa EENT Dr,2nd Dr n EENT n nag attempt nka 2 try pero still unsuccessful,3rd EENT Dr unsuccessfull parin saka PLNG nila tinawagan yong head nila sa EENT na salamat nmn kc naging successful,

Hindi ko maiwasan isipin n pinag praktisan nila lola ko.. aware nmn kc sila na may bukol c nanay sa left side ng leeg.

Pangalawang araw natanggal NGT so ikakabit nanamam, ngtry si 1st EENT DR unsuccessful don ako nakiusap na kung pwede yung head DR na nila magkabit para maipasok na agad tinawagan naman ni 1st Dr ayun pasalamat naman napakiusapan. Naikabit agad ng maayus pagdating ni head Dr

ang swero ni nanay natangal din dahil nahila nya.. nilagyan ito ulit ng intern doctor sa kabilang kamay naman (left).

Nailipat din c nanay ng ward mga bandang 11am ng pang 3 araw. Kinagabihan napansin kong nasa kanang braso n ni nanay ang swero at sobrang namamaga yung left hand nya. Inilipat kc Sabi ng Dr MANAS daw pero sa tingin ko dextros yun na hindi napunta sa ugat. Kailan pa kaya wala sa ugat swero nya at lumaki ng ganun kamay nya?? :(

Bumaba dn ang BP ni nanay ko umabot ng 40mmHg ... kaya binigyan ng pampataas ng BP.. napansin kung halos di na gumagalaw nanay di tulad nung nasa ER kmi na halos mangulit kakalabit para tangalin yun nasa bibig nya.. sabi ko nga sa sarili ko parang comatose na itsura nya...

Parehas pala kmi ng tingin ng mama ko So Tinanong ng mama ko ang DR kung comatose naba c nanay hindi daw ito nakasagot agad.. pero umoo din na Comatose na nga.. :( ano nanyari bakit ganun agad?

Pagdating ng madaling araw panay kuha ng BP ky Nanay.. tinatanung ko kelan pa di nakakabit swero, bakit lomobo ng ganun kalaki kamay nya. kinUha na din gamit Para i CPR xa :( tapos ayon wala na

Hindi na xa nagising wala na Lola ko. Yung inaasahan namin na gagaling mapupunta pala sa libing..

Goverment ang nag papa sahod sa mga to dapat po ginagawa nyo yung obligasyon nyo na buhayin ang pasyente

Binawian po ang nanay ng buhay MAY 24,2018 1:38 am...

RIP

NANAY

LOIDA REYES

Are you ready to take the first step to getting your dream body? Fat Burning Exercises: HIIT Cardio Workout with Chrystalle | Bekami on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica