Teeange girl na naputulan ng kaliwang braso dahil sa cancer, kinakitaan parin ng positibong pananaw sa buhay
- Buong tapang binahagi ni Joy Arcilla ang kanyang pinagdaanan sa pakikipaglaban niya sa cancer
- Pabalik balik ang bukol sa kaliwang braso niya kaya kinailangan na itong putulin dahil sobra na itong nagpapahirap sa kanya
- Umabot sa punto na halos dumaan na siya sa depresyon ngunit dahil sa dasala at suporta ng mga nagmamahal sa kanya, napaglabanan niya ito at naging positibo pa rin sa buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ang buhay teenager na yata ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay.
Dito nagsisimula na tayong gumawa ng mga bagay sa ating sarili, makadiskubre ng mga bagay na di natin magawa noong tayo ay bata pa.
Ngunit paano na lamang kung ang iyong matuklasan ay isang karamdaman na siyang makapipigil sayong gawin ang mga bagay na masayang ginagawa ng ibang teenager na gaya mo?
Tulad na lamang ng kalbaryong pinagdaanan ni Joy Arcilla na nagkaroon ng Ewings Sarcoma.
Nagsimula lamang ito sa maliit na bukol na akala niya'y mawawala ngunit ito pala ang magpapahirap sa kanya sa kabila ng ilang beses na operasyon.
Aminado si Joy na halos gumuho rin ang mundo niya noon sapagkat dumating sa punto na kinailangan nang putulin ang kaliwang braso niya para tuluyan nang mawala ang nagpapahirap sa kanya.
Sa kabila ng iba't ibang pinagdaanan ni Joy sa kanyang karamdaman, naging matatag siya at dinaan ang lahat sa matinding dasal at siymepre malaking tulong ang suporta ng kanyang pamilya.
Narito Ang kabuuan ng kwento ni Joy Arcilla na buong tapang niyang binahagi sa KAMI upang magsilbing inspirasyon sa atin na hangga't may buhay, may pag-asa.
Be STRONG and COURAGEOUS.Do not be afraid or discouraged for the Lord your God,is with you wherever you go.-Joshua 1:9 .Eto ang isa sa mga favorite at pinanghahawakang kong bible verse lalo na noon nakikipaglaban ako sa sakit na cancer ,nakakalakas naman kasi talaga ng loob pag naalala ko yan bible verse na yan.CANCER(omg) Me:yes po cancer
2013 when I was diagnosed with Ewings Sarcoma.Pero bago ang lahat ano nga ba ang "Ewings Sarcoma?".Ewings Sarcoma is a rare cancerous of the bone or soft tissue.It occurs mostly in children and young adults. 16 years old ako noon ng madiagnosed ako with ewings sarcoma. October 2012 ng mapansin kong may bukol sa left arm ko super liit niya lang akala ko kagat lang ng lamok kaya binalewala ko ,pero makalipas ng ilan linggo at buwan napapansin kong hindi nawawala at parang sa palaki un bukol tapos matigas sya pero hindi sya masakit.
Napagdesisyonan ng family ko na ipatingin na ako sa doctor hanggang sa yun nirefer na ako sa iba't ibang doctor.April 2013 (1st operation),inoperahan ako para tanggalin un bukol at ang natanggal sakin bukol ay pinabiopsy namin at ewings sarcoma ang diagnosis.Wala kaming idea na cancerous na pala un bukol na natanggal sakin.Year 2014 napansin kong bumalik un bukol at mas lumaki pa eto ,kaya nagpacheck up agad kami sa doctor .Dumaan ako sa ibat ibang scans at tests .February 14,2014 my 2nd operation,valentines na valentines inoperahan ulit ako para tanggalin ulit un bukol ,un iba nagcecelebrate ng valentines with their loved ones samantalang ako nasa ospital nagpapaoperaHAHAHA(saklap).Pinabiopsy namin ulit un bukol na natanggal sakin at ang diagnosis ay Ewings Sarcoma ulit.Doon na namin nalaman na cancerous un bukol na natanggal sakin at nirefer na ako ng surgeon ko sa isang oncologist doon ko mas naunawaan at nalaman kung ano un sakit ko.Noon nalaman ko na may cancer ako natakot ako,naiyak ,naisip ko ang bata ko pa para dito.Dahil cancerous un bukol na nakuwa sakin kailangan ko magundergo ng chemotheraphy at tumigil ng pagaaral para makapagfocus ako sa treatment ko .Hindi naging madali ang mga unang cycle ng chemo ko ,naranasan ko ang ilan sa mga side effect ng chemotheraphy tulad ng pagsusuka at pagliliyo,pagkapagod,kawalan ng gana kumain,insomnia at bumagsak ang katawan ko at humina resistensya ko.Nanlagas din ang buhok ko,na sobrang ikanalungkot ko syempre being a girl importante samin ang buhok at isa eto sa mga asset namin mga babae ,kaya nun nakita ko na nanlalagas na un hair ko sa unan ko at kapag naliligo ako sobrang naiiyak ako hadya ko ng napahaba at napaganda tapos manlalagas lang(saklap besh).
Pero hindi ko natapos ang 17 cycle na chemotheraphy ko ,sa 5 cycle or 6 cycle ata ng chemo ko naggive up na ako kasi noon panahon yun diko talaga kinaya physically,emotionally at mentally.Nagpa2nd opinion kami sa Manila pero ganon din ang suggestion ng doctor na magundergo ako ng chemotheraphy. Noon time na yun ayoko na magundergo ng chemotheraphy kasi hindi ko nakaya ang side effect nito at natakot nadin ako magpachemo, kaya sumubok ako ng alternative medicine,naging super strict ako sa diet ko noon,binago ko lifestyle ko,naging vegan ako veggies at fruits lang ang kinakain ko ,may oras ang kain ko ,sobrang daming bawal ,pero dahil sa gusto ko gumaling at ayoko na talaga magpachemo tiniis ko at nagtiyaga ako sa ganoon lifestyle na hindi ko naman nakasanayan .Pero year 2015 napansin kong bumalik nanaman ang bukol sa braso ko at mas lumaki pa eto kesa dati.Kaya ayon nagpaconsult ulit kami sa oncologist ko at pinayuhan akong magundergo ng chemotheraphy at tapusin ang 17 cycle ng chemo .Kahit na takot ako noon na magpachemo at ayaw ko na talaga ,napapayag nadin ako dahil nakita kong may mga mas bata sa akin na sa murang edad palang nagpapachemo na at nakakaya nila ,sinabi ko sa sarili ko dapat ako kayanin ko din at mas lakasan pa ang loob ko.March 2015 nagundergo na ulit ako ng chemotheraphy ,malaki na bukol sa left arm ko that time at sinubukan eto paliitin sa pamamagitan ng chemo,napaliit naman pero kailangan parin operahan at tanggalin un bukol ,pagkatapos ng 12cycle ng chemo ko October 2015 (3rd operation) inoperahan ulit ako at tinanggal ang bukol .Pagkatapos ng operation nagpatuloy ang chemotheraphy ko at natapos ko ang 17 cycle ng chemo noon Feb 2016.Isang taon din ako ngpachemotheraphy ,may mga times na pinanghihinaan din ako ng loob pero naging inspiration ko ang mga mas nakababatang kasamahan ko sa pagpapagamot na kinakaya nila ,na sa kabila ng pinagdadaanan nila makikita mo parin ang ngiti at saya sa kanilang mga mata at labi kaya mas lumakas ang loob ko dahil nila.
Sobrang saya ko noon kasi hindi ko akalain makakaya kong tapusin ang chemotheraphy kasi natakot talaga ako noon magundergo ng chemo .2 years din ako napatigil noon sa pagaaral dahil kailangan ko magpagamot.Sa 2 years na iyon parang napause ang buhay ko nafocus lang ang atensyon ko sa pagpapagamot ko ,ang dami kong gusto gawin na ginagawa ng mga kaedad ko kagaya ng pagpasok.Kaya sobrang saya ko noon bumalik ulit ako sa pagaaral ,namiss ko maging kolehiyala syempre may mga pangarap ako sa buhay na gusto ko marating .Pinayagan na ulit ako ng doctor ko pumasok at nagpatuloy nadin ako sa pagaaral .Akala ko ok na ako noon at wala ng babalik na bukol kasi sabi ng surgeon na nagopera sakin sinaid na nya lahat ng bukol at natapos ko nadin ang chemotheraphy, pero same year 2016 may nakapa nanaman akong bukol sa left arm ko ,at naging aggressive ang paglaki nya noon pumasok ang taon 2017. Nagaaral pa ako noon ,nalungkot ako dahil may bumalik nanaman bukol sa kabila ng 3 operation ko at pagpapachemotheraphy ko,pakiramdam ko mapapatigil nanaman ako sa pagaaral neto.Napansin ko sa paghaba or paglapad ng opera sakin paglaki ng bukol pag bumabalik.Sumubok ulit ako ng ibang alternative medicine sa pagbabakasakaling gagaling ako doon ,mas strict ang lifestyle ko dito compare sa dati kong sinubukan alternative medicine ,tipong pagsapit ng 1pm puro juicing lang ako,pero hindi ako nagimprove doon.
Dumating na sa point na sobrang lumaki na un bukol ko na tipong hindi ko na maiunat ang left arm ko ,nahihirapan nadin ako at nabibigatan.Sa 3 beses na bumalik ang bukol sa braso ko,sa pangtatlo ako nakaranas ng sobrang pain na tipong kahit pagod ako at antok na antok na ako hindi ako makatulog dahil sobrang nanakit un left arm ko na may bukol,sobra talaga as in GRABE,pati ulo ko nanakit narin.Sobra akong pinahirapan ng pagbalik ng bukol sa arm ko , ilan gabi akong walang tulog umiiyak at tinitiis ang sobrang pain ,may mga iniinom din ako pain reliever pero hindi na kinakaya.Dumating na sa point na hindi ko na alam ang gagawin namin, nasubukan na namin ang alam namin paraan chemotheraphy,alternative medicine at nakailan opera nadin ako pero pabalik balik parin ang bukol sa left arm ko.Nagpaconsult ulit kami sa orthopedic surgeon pero hindi na sa dati kong surgeon ,naghanap kami ng specialista sa case ko at sa Manila kami nakakita.1st check up ko sa kanya sa tingin nya sa laki ng bukol ko at dahil nakailan operation na ako eh mas makabubuting putulin na un left arm ko ,noon narinig ko iyon pansamantalang napatigil mundo ko natulala nalang ako at nawala ako sa pagiisip ko ,katahimikan lang naririnig ko sa paligid ko kahit nageexplain at kinakausap ako ng surgeon ko hindi ko siya naririnig.Sobra akong natakot nalungkot sa sinabing iyon ng doctor,naisip ko kailangan ba talaga humantong sa pagkaputol ng braso,nagtanong ako sa kanya kung wala na po bang ibang paraan para masave un arm ko?Sinabi ng surgeon sakin na subukan natin kung mapapaliit ng chemotheraphy ang bukol mo ,baka makakaya pang isave yun arm mo.Nagkaroon ako ng pag-asa sa sinabing iyon ng doctor kasi natatakot akong maputulan ng braso,iniisip ko palang maputulan ako ,parang di ko na kaya.Sino ba naman kasi ang gustong maputulan ng isang parte ng katawan niya diba?Kaya nagundergo na ulit ako ng chemotheraphy ,panibagong protocol ng treatment at 8cycle eto.Dahil kailangan ko magpagamot kailangan ko ulit mapatigil ng pagaaral.September 2017 nagpachemo na ulit ako syempre naranasan ko ulit un side effect ng chemotheraphy at nanlagas na ulit un buhok ko.Tiniis ko ang bawat turok ng karayom sa mga ugat ko ,dahil manipis na ang ugat ko dahil ngundergo na ako noon ng chemo ,pahirapan na ako hanapan ng ugat kaya trial and error sila at nakakailan tusok sakin,humina ulit ang resistensya ng katawan ko at may mga times na wala akong ganang kumain,para mamotivate sarili ko sinabi ko nalang sa sarili ko na matatapos din eto Ligaya para sa ikakabuti mo iyan.Nakailang cycle na ako noon ng chemo pero hindi parin ganoon napapaliit ang bukol sa braso ko ,kinausap na ako ng surgeon ko at oncologist ko at nagsuggest na sila na mas makakabuting putulin un left arm ko kasi aggressive un paglaki nya at para hindi na kumalat sa ibang part ng body at para hindi na ako mahirapan pa .
Nakiusap ako sa kanila na baka may iba pang paraan para masave un arm ko ,baka pwede tanggalin nalang ulit un bukol ko,pero sabi nila base sa pagaaral nila sa case ko mas makakabuting putulin un arm ko ,kasi kung gagawin nila un gusto ko na excision lang or un tatanggalin lang ang bukol malaki ang possibility na bumalik ulit un bukol.Sa tagal ko ng nakikipaglaban sa sakit na eto sa pang 3 pagbalik ng bukol,ako nakaramdam ng depression ,dati naiistress lang ako sa gamutan ko pero ngayon naburn out na ako at humantong na sa depression,kung baga sa game nasa finale na ako na super intense na talaga un laban.Hindi pala talaga biro ang madepressed grabe un feeling nakakaloka muntikan na akong maging si Sisa Sobra akong nahirapan ,natakot at nalungkot iniisip ko parang hindi ko kaya pag naputol yun arm ko ,naisip ko din kung para iyon sa ikakabuti ko at para dina ako mahirapan na may mabigat na daladala pa bakit hindi ko na kaya ipaputol nga eto .Umabot din ng buwan bago ako napapayag ipaputol yun left arm ko,halos araw-araw ,gabi-gabi ako umiiyak ,ilan araw na hindi ako nakain ng ayos at sa oras ,naubos na un lakas ko ,hindi na ako makapagisip ng ayos,naging sobrang irritated at moody ako ,Hopeless na talaga ako that time,grabeng takot ang naramdaman ko at sobrang kalungkutan .
Natanong ko na lang sa sarili ko KAYA MO PA BA JOY?Dumaan din sa point na gusto ko na maggive up ,pero naisip ko ang tagal ko na nakikipaglaban sa sakit na eto ang dami na namin sinacrifice at pinagdaanan ,ngayon paba ako susuko?paano na yun mga pangarap ko sa buhay at mga bagay na gusto ko pa gawin ,at alam ko madami naniniwala na gagaling ako kaya narealize ko na hindi magandang idea ang gumive up. At sa kabila ng pinagdaanan kong eto hindi ako pinabayaan ni Lord ,I am weak but God give me strength.Binigyan niya ako ng super mapagmahal at supportive na family na never ako pinabayaan,na kahit na gusto ko na gumive up pero sila hindi sila sumuko sakin,lagi nila akong minomotivate at pinapalakas ang loob.Binigyan niya ako ng relatives na tumulong at gumabay samin ,mga kaibigan ko na naasahan ko noon mga panahon nangangailangan ako ,mga taong nagpapalakas ng loob ko at isinasama ako sa mga prayers nila,mga taong may mabubuting kalooban na tumulong sa financial na pangangailangan namin.Sa pagmomotivate,at pagiinspire sa akin ng mga taong nagmamahal sa akin ,unti unti ko ng natatanggap na kailangan na putulin un left arm ko.Hanggang sa narealize ko kung para iyon sa ikakabuti ko papayag na ako putulin un left arm ko,tagal ko nadin kasi nakikipaglaban sa sakit na eto ,halos 5 taon ko nadin eto dinadala sobrang nahihirapan na din ako at para maiwasan din kumalat sa ibang part ng body ko un bukol .Naisip ko din na kung buo nga ako pero may ganito naman akong dala dala na pinahihirapan naman ako eh mas mabuti nga na ipaputol ko na.December 21,2017 (4th operation),inoperahan na ako at pinutol na yun left arm ko , bago ako operahan nakaramdam ako ng nervous kasi ibang klaseng opera na gagawin sakin unlike before ,dahil amputation na ginawa sakin.Noon nasa recovery room na ako kinakapa ko yun left arm ko pero wala na eto ,pero ramdam ko padin may left arm pa ako.Noon bago palang naputol yun arm ko hindi ako ganon naapektuhan at namomotivate kopa sarili ko ,sinabi ko sa sarili ko yehey wala na ang nagpapahirap sakin wala ng bukol na babalik balik ,para yan sa ikabubuti mo Joy wag ka na malungkot ,magagawa mo na ngayon ang mga bagay na hindi mo magawa noon may bukol ka ,ganyan ko imotivate sarili ko.Pero dumating din ang araw na naapektuhan na ako sa pagkawala ng left arm ko nakaramdam ulit ako ng sobrang kalungkutan at takot.Nalulungkot ako sa sitwasyon ko pakiramdam ko kakaiba ako ,natakot din ako lumabas ng bahay at magpakita sa mga tao.
May mga bagay ako na nahihirapan gawin na gamit lang ang isang kamay.Syempre nakasanayan kong buo ako hindi biro ang adjustment.Ilan araw din akong umiiyak at pinagluluksaan ang nawala kong kamay .Sa pagiyak ko ,bigla ko nalang narealize na ano ba tong ginagawa ko sa sarili ko ,iyak ako ng iyak hindi kumakain ,narealize ko pinahihirapan ko lang sarili ko eh ,napansin ko apektado din ang mga taong nakapaligid sakin lalo na ang family ko sa ginagawa ko sa sarili ko .Ok lang naman umiyak at malungkot normal yun syempre tao tayo minsan nakakaramdam ng kalungkutan ,pero ang tambayan ang kalungkutan ay CHOICE na iyon.Naisip ko kaysa ang ifocus ko ang atensyon ko sa mga bagay na nawala sakin bakit hindi ko ifocus ang atensyon ko sa mga bagay na meron ako at sa blessing na binigay sakin ni Lord,sasaya pa ako.Ang dami ko palang dapat ipagpasalamat kay Lord sa kabila ng pinagdaanan ko ,tulad ng kahit naputol na un left arm ko may isa pa naman ako kamay na magagamit ko ,may mga paa akong magagamit ko sa paglalakad at nakakakita,nakakarinig at nakakapagsalita pa ako .Blessed ako kasi madaming nagmamahal sa akin at nagpapalakas ng loob ko specially my family.Kaysa magmukmuk at magkulong ako sa kwarto ko at umiiyak ,binaling ko ang atensyon ko sa pagbabasa ng inspirational book at panunuod ng inspirational videos.Ang dami kong narealize at nakitang mga disabled person na hindi naging hadlang ang kapansanan nila para maenjoy ang buhay nila at ang dami ko din naencounter na mga cancer survivor na talaga naman nakakabilib ang katatagan nila.Hindi biro ang pinagdaanan ko pero nakaya ko ang lahat ng iyong sa tulong at awa ni Lord at alam kong may purpose siya kung bakit nangyare sakin ang mga bagay na eto ,at ang duty ko ngayon ay alamin kung ano ang purpose ko sa buhay at gawin eto.
Sa mga cancer patient na makakabasa neto alam kong hindi biro magkaroon ng sakit na cancer lalo na kapag teenager ka at lalo na kapag may pamilya ka na.Pero kailangan mo lakasan ang loob mo at tulungan din ang sarili mo kung gusto mo gumaling .At syempre pinakaimportante sa lahat ,faith lang kay Lord hindi ka niya pababayaan at maniwala ka na pagagalingin ka niya dahil ang mga doctor at mga gamot ay instrumento lang niya para gumaling tayo.Be positive,Laban lang at maniwalang gagaling ka ,KAYANG KAYA mo yan ikaw pa
Sa mga taong depressed na makakabasa neto ,please surround yourself with good and optimistic person ,umiwas muna kayo sa mga bad vibes at sa mga judgemental at lalo lang kayo madedepressed PROMISE✋Make yourself busy ,gawin mo ang mga bagay na nagpapasaya sayo para doon mapunta ang atensyon mo.Try new activities na gusto mong gawin na hindi mo pa nagagawa.Umiwas ka muna sa pagiisa kasi pag nagiisa ka kung ano ano ang naiisip mo na lalong nakakapagpalungkot sayo,kung magiisa ka man focus your atensyon sa mga bagay na makakapagpagaan ng loob mo at makakapagpasaya sayo like watching funny videos or movies,reading good books,listening to your favorite music anything na trip mo gawin pag nagiisa ka basta makakapagpasaya sayo.Pero kung sa tingin niyo hindi na makakaya ng activities ang depression niyo try niyo na magpacounsel.
At sa mga parents at mga taong nagaalaga ng taong may cancer na makakabasa din neto ,habaan niyo pa po pasensya niyo lalo na po sa mga times na nagiging moody at irritated ang pasyente,may mga times kasi talaga na nahihirapan sila,nalulungkot or nagagalit sa sitwasyon nila.Sa panahon ganito mas kailangan nila ang malawak na pangunawa,pagkalinga at pagmamahal niyo kasi sa inyo po sila nakuwa ng lakas ng loob.Sobrang bilib po ako sa inyo sa pagaaruga at pagmamahal ninyo kaya po maraming salamat po.
Lahat tayo kanya kanya ng pagsubok na dumadating sa buhay .At hindi iyon ibibigay satin kung hindi natin kakayanin.At ang mga pagsubok na eto ang magpapatatag satin lalo na kapag nalagpasan na natin eto.Sa bawat pagsubok na dumadating sa ating buhay,nadyan lang si Lord handang tumulong at gumabay sayo,at mas makakaya mo ang bawat pagsubok pag nagtiwala ka sa kanya.Basta keep on faith lang at KAYA MO YAN
Are you ready to take the first step to getting your dream body? Fat Burning Exercises: HIIT Cardio Workout with Chrystalle | Bekami on KAMI Youtube channel
Source: KAMI.com.gh