Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

Ex-girlfriend ni Prince Harry na si Chelsy Davy, emosyonal sa huling phone call ng prinsipe bago siya ikasal

- Di napigilang maiyak at maging emosyonal ni Chelsy Davy, ang ex-girlfriend ni Prince Harry nang tawagan siya nito bago ang kasal

- Halos di raw makapunta sa Chelsy sa kasal ngunit sumipor din naman ito

- Tumagal din ang "on-and-off" na relasyon nina Prince Harry at Chelsy mula 2004 hanggang 2011

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabalitang tinawagan pala ni Prince Harry ang kanyang dating nobya na si Chelsy Davy ilang araw bago siya ikasal.

Nalaman ng KAMI na naging emosyonal si Chelsy sa pakikipag-usap muli sa ex-boyfriend habang sinasabi nito na naka-move-on na siya at magpapakasal na nga kay Meghan Markle.

Ayon sa cosmo.ph sumagi sa isip ni Chelsy na di na lamang pumunta kasal ngunit sumipot pa rin naman ito.

"It was their final call, a parting call in which they both acknowledged Harry was moving on,"

"Chelsy was quite emotional about it all, she was in tears and almost didn’t go to the wedding," ayon sa source ng Vanity Fair.

Imbitado si Chelsy sa seremonya ng kasal ngunit di na siya pumunta sa reception at kiausap na niya si Prince Harry tungkol dito.

"In the end, she went [to the wedding] and promised Harry she wouldn’t try and gatecrash the party," ayon muli sa Vanity Fair.

Tumagal din ng halos pitong taon ang "on-and-off" na relasyon nina Prince Harry at Chelsy mula 2005 hanggang 2010.

"It was so full-on: crazy, and scary, and uncomfortable. I found it very difficult when it was bad. I couldn't cope," paglalarawan ni Chelsy sa pagsasama nila noon ni Prince Harry.

"I think we will always be good friends," sabi pa ni Chelsy.

Nag-aaral noon ng Law si Chelsy sa England nang nagkakilala sila ng prinsipe.

Naimbitahan pa rin noon si Chelsy sa kasal ng nakatatandang kapatid ni Prince Harry na si Prince William nang ikasal ito kay Kate Middleton kahit tapos na ang relasyon nila ni Prince Harry noon.

Inamin ni Chelsy na na-pressure siya sa pagiging girlfriend ng isang royalty kaya nakipaghiwalay siya sa Prinsipe.

Are you ready to take the first step to getting your dream body? Fat Burning Exercises: HIIT Cardio Workout with Chrystalle | Bekami on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pagmamahal sa sinapupunan! Video of twins crying after separated at birth, who only calmed down after placed cheek-to-cheek with each other goes viral

Pagmamahal sa sinapupunan! Video of twins crying after separated at birth, who only calmed down after placed cheek-to-cheek with each other goes viral

Pagmamahal sa sinapupunan! Video of twins crying after separated at birth, who only calmed down after placed cheek-to-cheek with each other goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel