Tatlong batang inabandona ng ama't ina, kumain sa natumbang puno ng saging dahil sa gutom

Tatlong batang inabandona ng ama't ina, kumain sa natumbang puno ng saging dahil sa gutom

- Tatlong mga maliliit na bata ang inabandona ng kanilang mga magulang

- Iniwan sa tiyahin na naubos ang pera sa kakaalaga

- Ang tatay sumama sa kabit, ang OFW na nanay hindi na nagparamdam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tatlong bata ang lumuwas ng Maynila kasama ang tiyahing nag-alaga sa kanila upang huming ng tulong kay Raffy Tulfo dahil inabandona sila ng mga magulang.

Nalaman ng KAMI base sa kuwento ng nasabing tiyahin na ang ama ay sumama sa kanyang kabit at ang ina ay OFW na pinabayaan na rin sila.

Kapatid ni Junalie Caballar ang ama ng mga bata na si Alvin.

Tatlong batang inabandona ng ama't ina, kumain sa natumbang puno ng saging dahil sa gutom

Tatlong batang inabandona ng ama't ina, kumain sa natumbang puno ng saging dahil sa gutom (Photo: FB)

Ayon kay Junalie, dalawang taon na raw niyang inaalagaan ang tatlong magkakapatid at lahat ng pera niya ay naubos na dahil walang tulong siyang natatanggap sa mga magulang ng mga bata.

Dating OFW rin si Junalie, nakapagpundar ng maliit na tindahan na nawala na rin dala ng pangangailangan ng mga bata.

Sabi nga ni Junalie, naranasan nilang minsan na kumain ng saging sa natumbang puno noong bagyo dahil wala na talaga silang makain.

Tatlong batang inabandona ng ama't ina, kumain sa natumbang puno ng saging dahil sa gutom

Tatlong batang inabandona ng ama't ina, kumain sa natumbang puno ng saging dahil sa gutom (Photo: Fesh Plaza)

Ngayong walang-wala na talagang maitutustos ang tiyahin sa mga pamangkin, minabuti niyang lumuwas ng Maynila at humingi ng tulong kay Raffy Tulfo.

Natulungan naman sila ni Raffy at nawa'y hindi na muling magutom ang tatlong bata.

Eto ang buong post tungkol sa tatlong bata.

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakatakot na tagpo! Video ng pagsadsad ng Chinese aircraft sa NAIA kumalat. NAIA international runway, sarado pa rin

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel