Jake Zyrus may gustong ipakiusap sa mga online bashers sa social media

Jake Zyrus may gustong ipakiusap sa mga online bashers sa social media

- Naispatan ng KAMI ang kwentong ito sa website ng 'Push' at aming nalaman na may pinahayag ang nasabing international singing sensation sa mga online bashers.

- Aminado ang sikat na singer na isa siya sa mga artistang sikat na paboritong gawan ng 'memes' o iba't ibang mga nakakatawa na mga fan arts kaya may pakiusap sya sa mga bashers.

- Sa panayam din ng media outlet, inamin din ni Jake na buskas siya sa posibilidad na muli silang magkita ng international singing superstar Celine Dion sa concert nito sa Pilipinas sa Hulyo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon naman sa international singing sensation na sanay na sya sa mga pambu-bully online dahil tanggap na niya na ito ay bahagi ng mundo na kanyang ginagawalan sa showbiz.

Pero may pakiusap siya sa mga bashers sa social media, ang saad niya na sana mabawasan daw sana ang mga ito.

Pag-amin ni Jake Zyrus:

“I hope that they do it less kasi di lang naman sa akin eh. Depressing ang bullying. For me, ang pinaka main issue right now I hope that people realize now if it makes you laugh, fine! But I hope na mas maging wise din tayo creating those memes na makaka-apekto sa ibang tao,."

Sa mga bumabatikos sa kanya tungkol sa maliit na venue ng kanyang 'Music & Me' show,' ay hindi daw ito mahalaga sa kanya.

Dagdag pa ni Jake Zyrus:

“For how many years na nagpe-perform ako, hindi lagi nagma-matter kung ano size ng venue at gaano karami ang manonood. And sa lahat ng pinagdaanan ko parang at the end of the day parang hindi pala doon magma-matter yun kasi minsan sobrang laki nga ng venue mo parang di mo naman ma feel ang crowd, wala din."

Check out BeKami YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Pakaharot ng babae 'yan!" It's Showtime host Vice Ganda, affected na rin kay Jade sa Halik

"Pakaharot ng babae 'yan!" It's Showtime host Vice Ganda, affected na rin kay Jade sa Halik

"Pakaharot ng babae 'yan!" It's Showtime host Vice Ganda, affected na rin kay Jade sa Halik
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel