Nakakaantig na kwento tungkol sa pagmamahal ng isang ama na kayang ibigay ang lahat kahit wala ng matira sa kanya para sa anak
- Sa papalapit na 'Father's Day' naway makunan natin ng aral ang nakakaantig sa puso ng pagmamahal ng isang ulirang ama.
- Napaiyak ang isang netizen matapos mapakinggan ang pag-uusap ng isang ama at ina sa telepono.
- Ang nakakaantig na kwentong ito ay nabasa ng KAMI sa 'Pilipino Feed' website na galing sa isang Facebook post ng isang netizen na nagviral na.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa aming pagbabasa sa kwento na ibinahagi ng isang Facebook user sa internet ay hindi namin maiwasan ang maluha sa pagkaantig sa kwento ng isang ulirang ama.
Napakaespesyal ang kwentong ito dahil ilang linggo na lang ay ating ipagdidiwang ang araw ng ating mga tatay.
Ang netizen na ito ay hindi na naghintay para sa araw na iyun para bigyang pugay ang ulirang ama na wagas magmahal ng anak.
Ayon sa netizen, isang ama na kasakay nya sa public bus ay tumawag sa kanyang asawa gamit ang cellphone nya.
Sa pag-uusap na yun ay naantig ang naturang netizen dahil sa isang katotohanan na ating binabalewala at nakakalimutan nating magpasalamat.
Ayon sa kwento ni Ron Navarro, ang Facebook user na nagshare nitong nakakantig na kwentong ito ay narinig niya ang pag-uusap ng isang ama sa kanyang asawa.
Ang ulirang ama ay masayang nagkwento sa asawa na nabilhan nya nga dalawang jogging pants ang kanyang asawa at anak kahit kumikita lang ito ng maliit na halaga na 300 pesos lang noong araw na iyon, saad sa kwento.
Saad ng ama sa telepono sa pagkausap nya sa kanyang asawa:
"Ma, gising pa si (name ng anak)?Sabihin mo wag muna matulog. Hintayin ako."
At siguro excited na magsabi sa sorpresa nya:
"May dala ako, siguradong magugustuhan niyo."
Binahagi nya:
"Di ba kumita ako ngayon ng 300? May binili ako."
Patuloy na pagkwento ng ama:
"Binili ko kayong dalawa ng jogging pants. Mas mahal pa nga yung sa anak mo Batman na damit eh. Hehe."
At dagdag pa nya:
"Yung kinita ko para hindi mawala, ibibili ko para sa gamit niyong mag-ina."
Binahagi din nya na humingi pa sya ng tawad para makamura siya at para naman matuwa ang anak nila.
“Dapat P200 pero sinubukan kong tawaran ng P160. Para naman matuwa yung anak natin.”
Naantig at napahiya ang netizen ng marinig nya ito at ipahayag nya ang pagkalimut nya sa pagpapahalaga at pagpapasalamat sa grasya na meron sya.
Marami ang naantig at napaiyak sa kwentong ito kaya naging viral na ito sa Facebook.
Check out more BeKami YouTube videos
Source: KAMI.com.gh