Nagkulang daw ang Kapamilya network sa pagbibigay sa batang aktor ng proyekto kaya lumipat sya sa Kapuso

Nagkulang daw ang Kapamilya network sa pagbibigay sa batang aktor ng proyekto kaya lumipat sya sa Kapuso

- Kamakailan lamang ay nabalitang lumipat si Paul Salas sa Kapuso network at nagcontract signing na ito.

- Nalaman ng KAMI na sinabi ng batang aktor na nagkulang daw ang 'ABS-CBN' pero sinabi naman nya na wala daw siyang sama ng loob sa istasyon.

- Pumirma ang batang aktor ng kontrata under co-management contract sa 'GMA Artist Center of GMA Network' at 'PPL Entertainment.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang nagbablaik na Kapuso star na si Paul Salas ay may inamin tungko sa kanyang dating istasyon.

"Medyo nagkulang lang dun sa ABS dahil hindi rin ako naka-teleserye ng ilang years."

Pero inamin din daw nya na nahirapan siyang iwan ang 'Star Magic' dahil naging bahay na din nya ang naturang network.

“Kasi, parang naging bahay ko na rin yun. Doon ako lumaki sa ABS."

Ayon sa 'PEP,' ang statement na ito daw sa taas ay galing daw sa isang article na napublished sa isang showbiz entertainment site.

Ayon sa balita ay pinili nyang maging co-managed by Perry Lansingan ng 'PPL Entertainment' na sya ring nagmamanage sa career ni Dingdong Dantes at iba pa.

"With PPL naman po, nakita ko po sina Tito Dingdong kung gaano nila trinust si Tito Perry, at nakita kong maganda yung career nilang lahat."

Dagdag pa ng batang aktor:

“So, naisip ko na kay Tito Perry na talaga ako papahawak. No doubt na, hindi na ako nag-isip kung kanino pang manager."

Sinabi din ng 20-year-old akto na hindi naman niya sinunog ang anumang mga tulay nang umalis siya sa Kapamilya network.

“Graceful exit naman. At saka, marami na rin po akong naging close dun, mga handlers kasi ang tagal na rin po. Simula bata ako, naabutan na nila akong lumaki dun. Wala naman pong problema. Nagpaalam naman ako nang maayos."

Nang tinanong sya ng source media outlet kung mero ba siyang reklamo sa 'ABS-CBN' tungkol sa paghandle sa kanyang career, sagot ng aktor:

"Wala naman po akong tampo. Passion ko po talaga ang pag-acting. Yung mata-try ko ang iba’t ibang role. Kaso, medyo nagkulang lang dun sa ABS dahil hindi rin ako naka-teleserye ng ilang years."

Pero bumawi sya sa pagtatapos at sinabing:

“Pero masaya ako dahil nagge-guesting-guesting din ako sa MMK [Maalaala Mo Kaya] nila. Pero for a change na rin talaga."

Si Paul Salas ay isa sa mga aspiring na batang artista sa talent reality search na 'StarStruck Kids' noong 2004.

Lumipat ito ng Kapamilya noong 2008 at naging kapamilya for 9 years.

Check more BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino breaks her silence on photos of Vice Ganda & Imee Marcos

Kris Aquino breaks her silence on photos of Vice Ganda & Imee Marcos

Kris Aquino breaks her silence on photos of Vice Ganda & Imee Marcos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel