Matt Evans binahagi ang kabaitan ni Marian Rivera na nakakasama nya sa taga-linggo sa 'Sunday PinaSaya' sa kapuso network

Matt Evans binahagi ang kabaitan ni Marian Rivera na nakakasama nya sa taga-linggo sa 'Sunday PinaSaya' sa kapuso network

- Ngayong kapuso na si Matt ay nagpahayag sya na kung sinong artistang babae ang gusto niya makasama sa 'GMA 7' at iyong na ngay walang iba kung hindi ang primetime queen ng istasyon na si Marian Rivera.

- Inamin ng 31-year-old na aktor na bagamat iisa lang ang manager niya at ni Marian ay sobrang nahihiya raw sya dito pero may nadiskubre siya sa kanya.

- Binahagi nya na pagkatabi nya si Marian Rivera ay para daw siyang 'basang sisiw' pero laking gulat nya na approachable at madaling makausap ang aktres.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nalaman ng KAMI sa 'PEP' na overwhelmed daw ang dating kapamilya star sa palipat nya sa kapuso network.

Saad pa ng aktor na hindi daw sya tumitigil sa trabaho since nasa 'ABS-CBN' pa sya.

Pero nagpahiwatig sya na sana daw yung katagalan nya sa kabila ay mas matagal at mas mahihigitan pa nya ngayon na nasa kapuso na sya.

Sa panayam din ng naturing media outlet, nagkwento din si Matt tungkol sa pangarap nyang natupad at ito ay ang makatrabaho ang 'GMA Primetime Queen' na si Marian Rivera.

Ayon sa balita, magkasama sya at si Marian sa 'Sunday PinaSaya,' ang weekly comedy-variety show ng kapuso.

Pag-amin pa ng aktor:

“Naku, para akong basang sisiw pagka katabi ko si Yanyan!"

Dagdag pa niya:

"Siyempre si Madam yun,e."

At meron pa syang nalaman tungkol sa primetime queen ng 'GMA' at iyon ay ang pagiging accomodating nya pagnakakausap mo na siya.

Aniya:

“Pero nung nakausap ko na, sobrang parang ang tagal niyo nang magkakilala."

At pagdagdag pa nya:

“Yung trato niya sa tao, parang ang tagal mo nang kakilala."

Ganun daw si Marian Rivera kaya natanggal daw ang hiya nya sa kanya.

Ngayon nga raw ay kampante na siya at nabibiro na niya ang primetime queen.

Gusto din daw ng aktor na makasama si Marian Rivera sa isang teleserye kahit extra lang sya.

Produkto si Matt Evans ng first batch ng TV reality show ng 'ABS-CBN' na 'Pinoy Big Brother' noong 2006.

Kasamahan nya sina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Pagkatapos ng 11 taon ay lumipat sya sa Kapuso noong 2017 ng August at ngayon, manager niya at ni Marian ay si Rams David ng 'All Access To Artists,Inc.'

Watch more BeKami YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel