Napagtripan ang dating housemate sa bahay ni kuya sa set ng isang primetime bida teleserye sa kapamilya network dahil sa katutulog

Napagtripan ang dating housemate sa bahay ni kuya sa set ng isang primetime bida teleserye sa kapamilya network dahil sa katutulog

- Para yatang na victim ng big time ang isang dating housemate sa bahay ni kuya sa set ng isang primetime bida teleserye sa 'ABS-CBN' na pinagbibidahan ni Piolo Pascual dahil sa katutulog.

- Ang mga cute na salarin ay ang dalawa nyang kasamahan sa nasabing teleserye at hindi lang isa ang video na kumakalat ngayon sa social media sa naturang baguhang aktres na nagviral na.

- Sa mga nasabing mga video clips, na nakita una ng KAMI sa 'YouTube,' pinapakita ng isang gwapong 'Hashtag' member at cute na bata ang caught in the act moments ng dalaga sa set na natutulog.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Vivoree Esclito, ang dating 'Pinoy Big Brother' housemate na kasabayan nila MayMay Entrata at Edward Barber, ang baguhang aktres na nasa mga video clips na natutulog.

At ang mga salarin ay ang gwapong hashtag member na si Charles Kieron at napakacute na child actor na si Yñigo Delen.

Hindi naman kaila sa mga tagahanga at sa mga kapwa artista ang hirap, pagod, at puyat sa pag-aartista lalo na pag may teleserye.

Kaya nga may ibang mga aktres at aktor na ayaw sumabak sa teleserye dahil sa haba at kadalas ng kanilang mga tapings

Meron pa daw na mga panahon na parati silang on-call lalo pa pag may mga pangyayari na hindi maiwasan na kailang magtaping ulit o baguhin ang isang eksena o script, ayon pa sa mga artista.

At dahil dito, hindi din natin masisisi ang batang aktres na si Vivoree na maidlip in-between takes or pag hindi nya part sa taping.

Ito naman ay pinagtripan ng kanyang kasamahan na si hashtag Charles, as evident sa nakikita natin sa video clip sa taas.

Nakisali naman sa kakulitan ang cute na si Yñigo.

At hindi doon nagtatapos ang kulitan ng magkakaibigan, dahil isang video ulit na natutulog si Vivoree ang shinare ulit sa social media na may caption pa na 'Round 2.'

Talaga namang pagod na pagod ang baguhang batang aktres pero mas mukha yatang kinilig pa ang mga fans ni Vivoree at Charles.

Isang fan ni Vivoree ang nagreshare ng video na ito na galing sa post ni Kate Alejandrino.

Mukha talagang pagod na pagod ang batang aktres at aliw na aliw naman ang kanyang mga tagahanga.

Ngayon nagviral na ang video na natutulog si Vivoree at ito ang ilang mga comments ng fans:

"Sleeping beauty palagi kc gandang hind nakksawa kht 2long. More blessìng to come vivoree."
"Kahit tulog maganda pa rin. Tulog princess napagtripan ng mga kulit. Ang cute nila tingnan"
"Cute"

Watch more HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ala Moira! Vice Ganda, todo explain kung ba't kasama si Imee Marcos at kapwa may lei na suot

Ala Moira! Vice Ganda, todo explain kung ba't kasama si Imee Marcos at kapwa may lei na suot

Ala Moira! Vice Ganda, todo explain kung ba't kasama si Imee Marcos at kapwa may lei na suot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel