Sino pa maiinggit sa ganitong buhay? 10 Bagay na isinakripisyo at bawal gawin ni Meghan Markle ngayong kasal na siya kay Prince Harry

Sino pa maiinggit sa ganitong buhay? 10 Bagay na isinakripisyo at bawal gawin ni Meghan Markle ngayong kasal na siya kay Prince Harry

Usap-usapan sa buong mundo ang royal wedding nina Prince Harry at Meghan Markle, nitong Sabado, May 19. Marami din ang nainggit sa kapalaran ni Meghan dahil parang isa itong fairy tale, "dream come true" kumbaga.

Pero sa kabila ng pagiging prinsesa niya, na inaasam ng nakararami, ay kaakibat nito ang napakadaming rules at bawal na kailangan niyang sundin kahit labag sa kanyang kalooban.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi biro ang kailangan isakripisyo at kasanayan ng bagong prinsesa na si Meghan Markle. Narito ang listahan ng 10 bagay na ipinagbabawal at kailangan sundin ni Meghan ngayong kasal na siya kay Prince Harry.

1. Social Media

Bawal sa isang royal family na magkaroon ng sariling social media account. Kaya inalis lahat ni Meghan ang personal accounts niya kagaya ng Instagram, Facebook, Twitter, at ang kanyang website.

2. Autographs

Hindi sila puwedeng magbigay ng autograph sa publiko para maiwasan na ma-forge ang kanilang pirma. Ito ay isang bagay na kaugalian na gawin ni Meghan dahil isa siyang aktres dati.

3. Politics

Ang political views ng isang royal family ay hindi puwedeng isapubliko at bawal din silang bumoto. Ayon sa report, medyo mahihirapan si Meghan dito dahil kilala siya na vocal sa pag-express ng kanyang opinyon na may kinalaman sa politika.

4. Career

Bago nakilala ni Meghan si Prince Harry ay isa itong American actress at model. Pero kailangan niyang iwanan lahat ito dahil magiging busy na siya sa mga responsibilidad niya bilang isang member ng royal family.

5. Traveling

Kilala si Meghan na mahilig mag-travel base sa kanyang mga social media accounts noon. Pero ngayong isa na siyang prinsesa, hindi na siya puwede mag-travel basta-basta dahil magiging isyu ang safety niya.

6. Bogart

Merong 2 rescue dogs si Meghan, meron siyang beagle na may pangalan na "Guy" at isang mixed breed na nagngangalang "Bogart". Ayon sa report, sobrang mahal ni Meghan ang kanyang mga pets. Kailangan niyang i-give up si Bogart dahil may katandaan na ito at maaaring hindi na kayanin bumiyahe sa malayo.

Naging usap-usapan din na ang tunay na dahilan daw kaya hindi naisama ni Meghan si Bogart ay dahil isa lang itong mixed breed.

7. Dinner Time

Kailangan niya mag-adjust sa panibagong protocol patungkol sa pagkain ng meals niya. Kagaya halimbawa ng, wala ng puwedeng kumain basta natapos na ang Queen sa pagkain niya. May palace steward na nakatayo malapit sa Queen habang kumakain. Pag natapos na ang Queen, magsisignal na ito para ligpitin lahat ng pagkain.

Hindi din siya puwede mamili kung saan niya gusto umupo tuwing kakain na sila. Base kasi sa kanilang title ang order ng kanilang pag-upo sa kainan. Kailangan din niya maging sobrang ingat tuwing kumakain, dahil hindi okay sa royal family ang makahulog ng tinidor o makabasag ng pinggan.

8. Dress Code

Kailangan na ni Meghan magsuot palagi ng hat pag dadalo ng mga official occasions. Kung indoor ang event, puwede alisin ang hat ng babae pag dating ng 6pm. Puwede din tiara ang isuot kapalit ng hat, pero mga may asawang royal family lang ang puwede magsuot nito.

Hindi na din siya puwede magsuot ng mga daring na damit lalo pa ang may mababang neckline.

9. Monopoly

Mahilig ang members ng royal family maglaro ng board games. Isa ito sa kanilang form of bonding. Pero may isang board game na bawal nilang laruin, ito ay ang Monopoly. Ayon sa report, bawal daw ang sikat na board game na ito para makaiwas sa pagtatalo, dahil nagiging intense ang paglalaro nito.

10. Christmas

Ang Christmas sa royal family ay hindi kagaya ng pasko na nakasanayan ni Meghan kung saan inii-spend ito kasama ang pamilya para mag-bonding. Sobrang busy at puno ng activities ang pasko ng royal family at may sinusunod silang schedule sa buong araw.

Mapapanood sa video na ito mula sa YouTube channel ng TheTalko ang buong report patungkol sa mga rules at bawal sa buhay ni Meghan.

Watch the video below:

Si Prince Harry ay ang pangalawang anak nina Prince Charles at Princess Diana. Nagsimula ang relasyon nina Prince Harry at Meghan Markle, na dating isang aktres, noong June 2016. Nag-release ang royal family ng kanilang official statement patungkol sa relasyon nila noong November 8, 2016.

How safe is Manila for girls at night? Today, we are going to find out whether it is safe for a woman to be alone at night in the city or no. In this video, we will demonstrate different ways men in Manila try to get women to go in the car with them. This woman is pretending she is waiting for her boyfriend to come, but these men do not seem to care. How would you react in this situation?

Social Experiment: Is Manila Safe at Night for Women in 2018? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pagmamahal sa sinapupunan! Video of twins crying after separated at birth, who only calmed down after placed cheek-to-cheek with each other goes viral

Pagmamahal sa sinapupunan! Video of twins crying after separated at birth, who only calmed down after placed cheek-to-cheek with each other goes viral

Pagmamahal sa sinapupunan! Video of twins crying after separated at birth, who only calmed down after placed cheek-to-cheek with each other goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel