Pinag-uusapan ngayon ang pelikula ni Atom Araullo dahil sa pagbanggit ng dalawang malalaking pangalan sa mundo ng showbiz at politics

Pinag-uusapan ngayon ang pelikula ni Atom Araullo dahil sa pagbanggit ng dalawang malalaking pangalan sa mundo ng showbiz at politics

- Nalaman ng KAMI sa 'PEP' na may pelikula na pinagbibidahan si Atom Araullo at ito ay ang 'Citizen Jake.'

- Ayon sa balita, isa sa mga pinag-uusapan na scenes ng pelikula ay ang pagbanggit ng dalawang kilalang pangalan sa Philippine politics at pati na rin sa showbiz.

- Tinanong ng naturong media outlet si Atom tungkol dito at sumagot naman ang gwapong batang journalist na ngayon ay aktor na din.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Atom Araullo artista na, ito yung isa sa mga headlines na mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media.

Si Atom ang lead actor at co-writer ng pelikula na pinapalabas na ngayon sa mga piling sinehan.

Ang character na ginagampanan ni Atom Araullo ay si Jake Herrera na ini-interview ang isang babaeng escort na ginagampanan ni Anna Luna.

Sa pelikula tinanong nya ang babae sinu-sino ang kanyang mga kliyente at sumagot din naman ang babae:

"Meron dun kamukha ni Senator Sotto at Senator Revilla. Pero hindi po talaga sila."

Sa invitational screening ng pelikula noong May 21 sa 'Gateway,' ang audience members ay pumalakpak daw nang napakinggan kung paano binaggit ang mga pangalan ng mga naturang politicians.

As to how the source media outlet puts it referring to the reactions of the audience members,

"clapped upon hearing the brazen way the names were mentioned"

Kaya naman dahil dito hiningan ng comment si Atom sa paraan na sinabi ang mga pangalan nina Senator Sotto at Revilla.

Ang sagot daw ng TV host-journalist-turned-actor:

"Sina Senator Sotto and Revilla, you have to watch the film first and you have to read the book by Primitivo Mijares."

Ayon naman sa 'PEP,' ang naturang libro daw ay ang 1976 book 'The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos' ni Mijaries.

At nang tinanong naman ang TV host kung ano ang masasabi nya pag hindi maganda ang reaksyon ng dalawang kilalang mga aktor at politician sa linyang ito sa pelikula nya.

Ang sagot naman nya:

"I don't want to speculate. Let's just wait for it to happen if it does happen."

Ang pelikulang 'Citizen Jake' na dinirect ni Mike de Leon ay rated by the 'Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)' ng R-13(without cuts) ayon naman sa balita.

Check out more videos on HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado

Anak ni Ynez Veneracion, tatay ang turing sa ex-boyfriend ng ina na si Mon Confiado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel