Jolina Magdangal at Mark Escueta kampante na dahil nakumbinse sa wakas si Pele na huwag matulog sa tabi nila

Jolina Magdangal at Mark Escueta kampante na dahil nakumbinse sa wakas si Pele na huwag matulog sa tabi nila

- Sa previous post ni Jolina kinuwento niya ang hirap na pinagdaanan nila para makumbinse ang anak na huwag nang tumabi sa kanila kung gabi

- Ngayon shinare ng aktres na nakahanap na ito ng paraan upang makumbinse ang bata

- Kampante na ngayon ang ina dahil alam niyang magiging okay ang anak niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mag-post si Jolina Magdangal na ayaw talaga ni Pele na matulog sa separate na kama, ngayon ay ipinaalam na niya sa followers niya na finally okay na ang anak na mahiwalay sa kanya matulog.

Nalaman ng KAMI na nag-bonding daw si Pele at si Mark kung kaya't nakumbinse na rin ang bata.

Binigyan nila ng role ang anak sa pag-aassemble ng playpen at siya'y magkakaroon ng malaking parte sa pag-aalaga sa baby.

Yung dating playpen niya ang magiging playpen ng kapatid.

Sinabi pa ni Pele sa kanya na bibili sila ng bagong playplen pero sabi ni Jolina ay magse-save sila ng pera for schooling.

Agad namang natuwa si Pele at sinabing tutulungan daw niya ang mommy niya na mag-save.

Patawang sabi tuloy ni Jolens kung itry niyang pumunta ng mall at titingnan niya kung magyaya ang bata na bumili ng toys.

Eto ang buong kuwento ni Jolina.

"At eto naman ang naging bonding nila kahapon mag ama. Nakakatuwa sila panoorin. Naalala ko tuloy nung si Mark lang ang bumubuo ng playpen na ito para sa pagdating ni Pele. Ngayon kinukwento ko na namin kay Pele na sa kanya yan dati and ngayon ipapagamit na kay Vika. Sabi nya “bili tayo bago kay Vika”, sabi ko “no anak, we need to save money kasi mag school ka na din”, sagot nya “ok mama, help kita mag save ng money”. Natuwa ako!!!! At dahil kasama sya na nag assemble ng playpen ni Vika, naexplain ko ulit sa kanya na magiging tabi yung bed nila ng sister nya.�

'Minsan talaga akala mo bata lang sila at di pa maiintindihan ang mga bagay, pero magugulat ka kung paano sila mag isip. Ang tanong, paano kaya nya ako tutulungan mag save, papunta kaming mall e, tignan ko nga kung magyaya sya bumili ng toys? Hahaha!"

Si Jolina Magdangal ay isang sikat na Pinay actress at singer.

Siya'y parte ngayong ng Magandang Buhay, isang morning talk-show sa ABS-CBN.

Malapit nang manganak ang aktres sa pangalawa niyang baby.

Tricky Questions: Can you translate this into English? on Kami YouTube channel This video shows the ability of Filipinos to translate sentences hurled at them into the universal English language.

Source: Kami.com.ph

Related news
Anyare? Facebook takes down some pro-Duterte and pro-Marcos pages

Anyare? Facebook takes down some pro-Duterte and pro-Marcos pages

Anyare? Facebook takes down some pro-Duterte and pro-Marcos pages
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel