'100 Tula Para Kay Stella' ay para talaga sa mag-ex na sina Jessy Mendiola at JM De Guzman

'100 Tula Para Kay Stella' ay para talaga sa mag-ex na sina Jessy Mendiola at JM De Guzman

- Sinong mag-aakala na ang pelikulang ito na pinasikat sa box office at ginampanan nina Bella Padilla at JC Santos ay para talaga sa mag-ex na sina Jessy Mendiola at JM De Guzman.

- Ayon balita na nakuha ng KAMI galing sa report ng 'Inquirer,' ang role na ginampanan ni Bella ay para talaga kay Jessy at ang role naman na ginampanan ni JC ay para talaga kay JM.

- Isang throwback picture daw ang pinost ng 'Cine Bravo' na magkasama ang film director sa movie na si Jason Paul Laxamana at sina Jessy at JM at naglagay ng caption na tumutukoy tungkol dito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi makakaila na talaga namang tumabo sa takilya at pinag-usapan ang pelikulang '100 Tula Para Kay Stella' na sinulat din ng director na si Laxamana.

Pero ngayon lang nalaman ng lahat na hindi pala ito ang original na planong cast ng movie.

Nangyari ang pagbabago a couple of years ago bago binigay kina Bella at JC ang mga roles na ito na naging smash hit naman talata noong 2017.

Isang Facebook post pala na nagpapakita ng isang larawan na magkasama ang director at ang mag-ex na may caption daw na nakalagay.

"Two years before the roles were bagged by JC Santos and Bela Padilla.”

Hinanap namin ang nasabing Facebook post pero hindi namin nakita pero nakita namin ang litratong ito nasa itaas.

Itong litratong ito ang sinasabi na pinost daw ng nasabing FB page na may nakalagay na caption.

Sila pa lang dalawa ang orihinal na Fidel at Stella.

Umani ng maraming pagkilala ang pelikula.

Ngayon si Jessy Mendiola ay masayang masaya na kay Luis Manzano.

Samantalang si JM ay balik showbiz na at makikita syang kasama si Barbie Imperial sa 'Precious Hearts Romances presents Araw Gabi.'

Gayon pa man, ano kaya ang nangyari at paano kaya iyon tatanggapin ng mga tao kung sila Jessy at si JM ang nagdala sa pelikula?

Check out HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Hinahangaan ng mga netizens ang isang saleslady dahil sa kanyang kabutihang puso na ginawa

Hinahangaan ng mga netizens ang isang saleslady dahil sa kanyang kabutihang puso na ginawa

Hinahangaan ng mga netizens ang isang saleslady dahil sa kanyang kabutihang puso na ginawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel