Nanlumo daw ang isang baguhang artista dahil hindi nakilala sa pinuntahang lugar

Nanlumo daw ang isang baguhang artista dahil hindi nakilala sa pinuntahang lugar

- Siguro lahat ng mga artista nakaranas ng ganitong pangyayari sa buhay nila lalo noong baguhan pa lang sila.

- Kung gaano naman hindi kahirap makilala ang mga anak nga mga sikat na artista, ganun din naman kahirap para sa mga baguhang artista para makilala.

- Nakita ng KAMI ang isang video sa isang member ng 'HASHTAGS' ng noontime show na 'It's Showtime.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang artista din naman ang ating napakinggan dati na hindi nakilala noong bumisita or pumunta sa ibang lugar gaya lang ni Nikko Seagal Natividad o mas kilala bilang si hashtag Nikko sa 'It's Showtime.'

Nakakabiglang malaman ito dahil ang naturang noontime variety show ay sikat na sikat sa buong bansa at ang grupong 'HASHTAGS' ay lubusan na din nakikilala ng mga madlang people.

Ang 'It's Showtime' na pinagbibidahan nila Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Vhong Navarro, Karylle, at iba pang mga kilala na artista ay isang sikat na noontime show sa 'ABS-CBN' kaya naman nakakapagtaka na hindi makilala ang isa sa mainstays dito.

Nang una naming nakita ang video, naawa kami dahil nga daw nanlumo si hashtag Nikko dahil sa hindi pagkakilala sa kanya.

Pero noong nakita namin ang video, isa pa la itong malaking biruan.

Sa video makikita na nasa airport si Nikko na nagsusuot ng navy cap at isang black mouthpiece na mayroong nakaimprinta na symbolo ng hashtag.

Nagbibiruan lang naman pala siya sa kanyang mga kasamahan.

Si Nikko Seagal Natividad ay nakilala din bilang isa sa mga housemates sa bahay ni kuya.

Kasamahan niya sa 'Pinoy Big Brother: Lucky 7" sina Maymay Entrata , Edward Barbers, Elise Joson at McCoy De Leon.

Check more entertaining videos on HumanMeter YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Andi Manzano’s daughter Olivia makes name as youngest cover girl of 'Preview'

Andi Manzano’s daughter Olivia makes name as youngest cover girl of 'Preview'

Andi Manzano’s daughter Olivia makes name as youngest cover girl of 'Preview'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel