JM De Guzman, may binunyag tungkol sa isyu ng selosan kaugnay sina Barbie Imperial at Paul Salas

JM De Guzman, may binunyag tungkol sa isyu ng selosan kaugnay sina Barbie Imperial at Paul Salas

- Maingay ngayon ang balita na diumano ay nagkakalabuan sina Barbie Imperial at Paul Salas

- Nauugnay sa isyu na ito si JM De Guzman

- May mga rebelasyon ang 'Araw Gabi' star patungkol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinagot ni JM De Guzman ang isyu na nag-uugnay sa kanya patungkol sa diumano problema nina Barbie Imperial at Paul Salas.

Nalaman ng KAMI na nagpaunlak si JM ng panayam noong dumalo siya sa charity day ng ABS-CBN na 'Saludo Sa Sundalong Pilipino' na ginanap sa V. Luna General Hospital, nitong Martes, May 22.

Ayon pa sa ulat ng PUSH, present din sa event ang ilang cast ng Araw Gabi na pinagbibidahan nina JM at Barbie. Nabanggit din sa report na sobrang enjoy si JM sa pagpapakuha ng litrato kasama ang mga wounded soldiers.

"I feel honored and excited na mage-entertain kami ng mga soldiers po natin. Isa sila sa mga hinahangaan kong mga tao," pahayag ni JM.

Hindi pa din makapaniwala ang aktor sa mainit na pangtanggap ng tao sa kanyang pagbabalik telebisyon.

"Nakaka-shock and overwhelming po yung blessings. Sobra lang po akong thankful talaga."

Patok na patok naman ang karakter niya bilang si Adrian sa mga kababaihan at pinaliwanag ni JM kung bakit mabenta ang karakter niya na ito.

"Siguro gusto nila yung behind sa totoong imahe, na halata naman na nilalagay niya lang pero may sincerity, may love siya na sobrang laki. Feeling ko yun yung nag-aattract."

Malaki din ang pagpapasalamat niya sa lahat ng tumangkilik sa tandem nila ni Barbie.

"Masaya po na nag-work ang love team namin, pero ibibigay pa din po namin ang best namin."

Maraming pinakilig ang tandem nila ni Barbie at ang iba nga sa kanila ay umaasa na sana hanggang sa totoong buhay ay puwedeng maging sila.

Maingay din ang naging balita na tila may problema ngayon sina Paul at Barbie at para bang nagkakalabuan na sila.

"Ang alam ko nagka-problema lang, pero ayos na sila," paliwanag ni JM.

Nilinaw naman ng Araw Gabi star na malabong magselos si Paul sa kanya dahil pareho niyang kaibigan ang dalawa.

"Hindi po magkaibigan po kami," sabi pa ng aktor.

Si JM de Guzman at Barbie Imperial ay mapapanood sa bagong daytime series ng ABS-CBN na "Araw Gabi." Si Barbie ay ang rumored girlfriend ni Paul Salas na kamakailan lang ay opisyal ng lumipat sa Kapuso network.

Translate Challenge: “Pang-ilan ka sa inyong magkakapatid”. Do you think that people in the streets of Philippines speak English rather well? We do! But it doesn’t stop us from testing them! In today’s episode of “HumanMeter” we will ask several bystanders to translate one Philippine phrase into English. Will someone respond to this translate challenge?

Philippines Translate Challenge: Can You Translate This - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
May pinagdadaanan pala! Yam Concepcion gets emotional after opening up about her father

May pinagdadaanan pala! Yam Concepcion gets emotional after opening up about her father

May pinagdadaanan pala! Yam Concepcion gets emotional after opening up about her father
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel