Netizen, isiniwalat ang bagong modus na pandaraya sa presyo ng isang sikat na mall

Netizen, isiniwalat ang bagong modus na pandaraya sa presyo ng isang sikat na mall

- Isang netizen ang nagsiwalat ng di umano'y pandaraya sa presyo ng sale sa SM Bulacan

- Ayon kay Arnel Tugade iba at mas mura ang presyo ng Sale item sa SM kaysa nasa tag price nito

- Ang huling kasunduan sinabi ng manager ns magreklamo na lamang daw sa customer service ng SM online

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na isiniwalat ng isang netizen na si Arnel Tugade ang naranasan niyang pandaraya sa presyo ng inaakala niyang Sale na items sa SM San Jose Delmonte Bulacan.

Nalaman ng KAMI na na-engganyong bumili si Arnel ng Kitchenware dahil sale ito at bawas ng 10% sa orihinal na presyo.

Laking gulat niya nang i-punch na ang mga items na kanya sanang bibilhin na mas mura pa pala ito kaysa sadiscounted price na nakadikit sa mga kitchenware.

Lumabas na mas mataas pa ang promo na presyo kaysa sa presyo na binasa ng bar code nang basahin na ito ng kaha.

"Promo price: Serving Bowl P79 less 10% = P71, Original price: P63"

"Promo price: Tumbler P42 less 10% = P38, Original price: P34"

Narito ang buong salaysay ni Arnel sa kanyang karanasan sa SM San Jose Del Monte Bulacan.

BABALA:

MODUS SA MGA PROMO AT SALE KUNO NG MGA DEPARTMENT STORE

"SM DEPARTMENT STORE"

Magingat sa mga PROMO/SALE ng mga department store partikular ang SM DEPARTMENT STORE dahil sa halip na makatipid ay mapapamahal at mapapaMURA ka.

Kanina napadaan ako sa SM SJDM sa Bulacan, naingganyo akong bumili ng display nila ng mga kitchenware item na less 10%.

Pero ng babayaran ko na at i punch sa pos machine ng cashier ang mga presyo ng mga item na binili ko ay nagulat ako na magkakaiba ang lumabas na presyo.

Lumitaw na mas mataas ang presyo ng promo kumpara sa original price ng mga binili kong item.

Promo price: Serving Bowl P79 less 10% = P71, Original price: P63

Promo price: Tumbler P42 less 10% = P38, Original price: P34

Nang punahin ko ang cashier tungkol sa magkakaibang presyo ng mga item sinabi ng kahera na hindi daw nila kasalanan at taga total lang daw sila.

Pinatawag ng kahera ang merchandizer ng nasabing produkto.

Agad na dumipensa ang merchandizer at sinabing nagkamali lang daw ng lagay ng tag price.

Pero hindi tag price ang aking pinupuna, kundi ang bar code na kapag iniscan sa pos machine ng cashier ay lumalabas na P34 lang ang presyo pero sa kanilang tag price ay P42.

Ibig sabihin pinatungan nila ng 20% ang original price na P34 kaya naging P42 saka nila nilagay sa PROMO/SALE na less 10% para lumabas na P38 na mataas parin ng ilang porsiento sa original na presyo.

Sa makatuwid maibibenta nila ang produkto ng mahigit pa sa original na presyo kaya walang SALE o PROMO na nangyari.

Malinaw na panloloko ang PROMO o SALE kuno ng SM Store sa SJDM Bulacan.

Inireklamo ko sa Dept. Manager ng SM na si RC FINEZ ang nangyari, noong una ay pilit nyang pinababayaran ang halaga ng item na naka display.

Pero nagbago ang kanyang disisyon ng sabihin ko na ayon sa batas kung ano ang pinakamababang presyo na nakalagay ay syang dapat na masunod.

Gumawa kami ng complaint letter para iparating sa SM Management ang nangyaring insidente na kapwa namin pinirmahan.

Pero nanghumingi na ako ng kopya ng complaint letter ay hindi na nya ako binigyan at sahalip ay dinala ako sa Customer Service ng SM.

Nakaharap ko si LADYLYN BAYUBAY na isa sa Manager, matapos maiparating sakanya ang mga nangyari at ang paghingi ko ng kopya ng complaint letter.

Nagulat ako sa kanyang naging disisyon na punitin na lang ang aking complaint letter kaysa bigyan nila ako ng kopya.

Bagamat nasunod ang itinatadhana ng batas na ang masmababang presyo ang dapat na masunod.

Iginiit ko na kailangang maiparating sa kinauukulan ang nangyari para hindi na maulit sa iba ang aking naranasan sa PROMO o SALE ng SM Store.

Sa huli nag abiso ang manager na si LADYLYN BAYUBAY na magreklamo na lang daw ako Online sa Customer Care ng SM.

Will someone respond to this translate challenge? Philippines Translate Challenge: Can You Translate This | HumanMeter on KAMI Youtube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jane Oineza responds to bashers saying that she’s been left behind by other female stars

Jane Oineza responds to bashers saying that she’s been left behind by other female stars

Jane Oineza responds to bashers saying that she’s been left behind by other female stars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel