Sosyal na sosyal ang bagong airport terminal sa Cebu

Sosyal na sosyal ang bagong airport terminal sa Cebu

- Pinasilip ng official Twitter at Facebook page ng 'Department of Transportation - Philippines' ang larawan sa isang sulyap sa construction ng bagong airport terminal sa 'Mactan Cebu International Airport (MCIA).'

- Ayon sa balita na nakuha ng KAMI sa site ng 'When In Manila,' ang bagong second terminal sa Cebu ay bubuksan ngayong buwan ng Hunyo.

- Sa malapit na pagtatapos nito, nagpakita ng iba't-ibang snaps ang iilang official Facebook pages sa kung ano ang ating ma-eexpect sa bagong airport sa Mactan, Cebu.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang bagong airport terminal daw sa Mactan, Cebu na magbubukas na sa susunod na buwan ayon sa balita ay:

"envisioned as the ‘World’s Friendliest Resort Airport"

At klarong klaro naman sa mga litrato na shinare online nga mga iilang personalidad at social media pages.

Ang architectural structure sa bagong airport terminal ay talaga namang nagbibigay ng 'inviting feeling' na parang sa isang high-end na resort.

Saad pa sa balita, ang bagong airport terminal daw ay inaasahan na mabawas ang kasikipan ng mga travelers maliban sa pagpapakita ng angking galing ng Pinoy.

“showcasing Filipino creativity, ingenuity and hospitality with its architectural designs”

Ang isang espesyal na bagay sa bagong tayong airport terminal sa Mactan, Cebu aside sa napakahalatang grandiosity nito ay ang uri ng materyales na ginamit dito.

"It is built using glulam wood instead of the traditional steel that is used in many modern airports."

Ang presidente ng 'GMR Megawide Cebu Aiport Corporation' na si Louie Ferrer sinabi sa nakaraang interview nya sa 'Inquirer:'

"We create the first and last impressions visitors make of Cebu and the rest of the country and thus we want to create a worthy impression for everyone. Not only will the new terminal look distinctly Filipino, it will also be a complete experience of Filipino hospitality the moment you set foot here."

Dagdag pa ni Ferrer:

“This airport is more than a transfer point, we are making it a vital part of the Cebu experience.”

Wala pa din naman mga bagong balita tungkol sa kung ano-ano pa ang mga facilities o amenities ng pangalawang airport terminal sa Mactan, Cebu.

Ang 'Mactan International Airport' ay isa sa labing limang international airports sa bansa natin.

Talaga namang reyna ang 'Queen City of Cebu.'

Nakakaexcite nga naman di ba?!

Watch more vidoes on HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel