Pinagtanggol ng 'FAMAS' ang paghirang nila kay Vice Ganda bilang recipient ng 'Dolphy Memorial Award'

Pinagtanggol ng 'FAMAS' ang paghirang nila kay Vice Ganda bilang recipient ng 'Dolphy Memorial Award'

- Pagkatapos batikosin ang 'Phenomenal Star' na si Vice Ganda dahil sa pagkakahirang sa kanya bilang recipient ng 'Dolphy Memorial Award,' pamunuan ng 'FAMAS' na nagbigay sa kanya ng award nagsalita na.

- Noon nakaraang araw nagsalita na si Vice Ganda at ang isa sa mga anak ng yumaong 'Comedy King' tungkol sa pagkahirang sa 'Unkabogable' box office star.

- Ngayon naman ang presidente ng naturang award-giving body na si Francia Conrado ay may sagot sa pagkapili kay Vice.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa nakuha naming balita galing sa 'ABS-CBN News,' ipinagtanggol ng pamunuan ng 'Filipino Academy of Movie Arts and Sciences' o mas kilala bilang 'FAMAS' ang kanilang paghirang sa 'Phenomenal Star' na si Vice Ganda.

Sabi ng presidente ng prestihiyosong award-giving body na si Francia Conrado, si Vice Ganda talaga ang napili ng pamilya ng 'hari ng komedya' na makakuha ng award ngayong taon na ito.

Depens pa ni 'FAMAS' president Francia Conrado:

"Siya po talaga ang unanimous choice. [We consulted] the family also, Eric Quizon and mga kapatid niya."

At sa pagbabatikos kung bakit hindi si Vic Sotto, Tito Sotto, at si Joey De Leon ang pinili, sagot ng presidente ng award-giving body:

"Ang issue kasi nila, why not Vic Sotto. [Pero] Tito [Sotto], Vic, and Joey [De Leon] po ay lifetime achievement awardee na ng FAMAS three years ago. "

Sa pagtatapos ni Conrado, hiniling nya na irespeto na lamang natin ang desisyon.

"Sana naman irespeto na lang natin."

Matatandaan na kinwestyon ng isang kolumnista na si Gorgy Rula ang pagkahirang kay Vice Ganda bilang siyang nanalo ng 'Dolphy Memorial Award' ng 'FAMAS' sa taong ito.

Sinagot na din ni Vice Ganda ang pagkuwestyon sa kanya ng naturang kolumnista at nagsalita na din ang isa sa anak ng yumaong 'hari ng komedya.'

Marami naring box-office films na ginawa si Vice.

Sa listahan ng Filipino highest-grossing movie ang pelikula ng 'Phenomenal Star' na 'Superparental Guardian' ang siyang pinakamataas na umabot sa PHP 598 million sa box office at ang sumunod ay kay Vice pa rin.

Siguro ito din yung binasehan nila.

Watch more videos on HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada

Nakakabahala! Trip lang ba? Away na beki vs gangster sa kalsada
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel