Jolina Magdangal nadurog ang puso sa sagot ni Pele nang sinasabihan niyang di na ito puwedeng tumabi sa kanila ng daddy niya

Jolina Magdangal nadurog ang puso sa sagot ni Pele nang sinasabihan niyang di na ito puwedeng tumabi sa kanila ng daddy niya

- Malapit nang manganak si Jolina Magdangal kung kaya't gusto na nilang mag-separate ng kama ang anak na si Pele

- Nag-try ang mag-asawa na kausapin ang bata at kumbinsihen na di na siya puwedent tumabi kina mommy at daddy

- Ang sagot ni ni Pele ay dumurog sa puso ng kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Jolina Magdangal ay malapit nang manganak. Ito'y kanyang pangalawang baby. Yung panganay niya ay apat na taong gulang pa lamang na lalaki, si Pele.

Dahil nga malapit nang lumabas ang baby, nalaman ng KAMi na nakit na ng mag-asawa na kailangan nang magseparate ng bed ang panganay nila.

Di na raw ito puwedeng tumabi sa kanila kasi may baby na, so talagang tinry nina Jolina at Mark Escueta, asawa ni Jolina, na i-explain sa musmos kung bakit kailangan niyang mahiga sa separate na kama.

Sabi ni Jolina sa post niya, "halos madurog ang puso ko" nang kinakausap niya si Pele.

Kita daw ng ina na hindi niya naiintindihan kung bakit hindi na ito tatabi sa kanila.

Sobra daw ang iyak ng bata at yumayakap lang sa nanay.

Sumakit nang husto ang puso niya pero pinigilan niya ang luha.

Tinry din ng mag-asawa na papiliin ng kung anong kama ang gustoni Pele pero hindi ito sumang-ayon, sagot niya:

“no, gusto ko sa tabi mo”.

Nang tumahan ang bata, saka lang tumalikod ang nasasaktang nanay at umiyak nang husto.

Eto ang buong kuwento ni Jolina.

"Gustuhin man namin na katabi sya matulog sa isang kama forever, sinubukan namin ki Mark na kausapin sya ng masinsinan tungkol sa pagtulog sa sarili nyang kama. Halos madurog ang puso ko nung kinakausap namin sya dahil kitang kita ko sa mata nya na hindi nya ma-process bakit hindi na sya tatabi sa amin at dapat may sarili na sya. Grabeng iyak nya talaga at ayaw bumitaw ng yakap sakin (parang pelikula na aalis na yung nanay at ipapamigay yung anak). Ang sakit ng puso ko pero pinigilan kong bumuhos ang luha ko. Gusto ko kasi talaga na katabi nalang namin sya matulog hanggat gusto nya pa kami akapin palagi. Pero kailangan na namin sya turuan dahil kailangan namin ng space kay Vika para magpa breastfeed, baka kasi madaganan nya dahil malikot sya matulog. Pero higit sa lahat, gusto na din namin sya turuan ng konting indepence para maging kuya na ang feeling nya. Isang kwarto parin naman kami lahat, ibang kama lang sa kanya.

Eto ang sinabi namin.. pili sya anong klaseng kama ang gusto nya? Cars, airplane, spaceship, turtle, at kung ano pa ang naisip ko na ikakatuwa nya. Pero ayaw talaga nya, walang ibang sinabi kundi “no, gusto ko sa tabi mo”.

Naisip ko na baka gusto nya yung lagi nyang ginagawa sa payong tapos lalagyan ng blanket at lights and lanterns at yun ang na-suggest namin sa kanya. Lalong umiyak ng umiyak. Niyakap ko nalang sya ng mahigpit at di na ako nagsalita. After isang minuto habang umiiyak parin, ang sabi nya “gusto ko own bed on the floor with lights and blanket”, sabi ko “sige anak promise yan ang gagawin natin.”

..After nya mahimasmasan sa pagkakaiyak, tumalikod ako at kunyari may gagawin at naiyak ako ng bongga!!! Gusto ko kasi talaga na katabi nalang sya habangbuhay. Kama palang ang pinag uusapan, pano na pag papatulugin na sya sa sarili nyang kwarto? Kayo ba katabi nyo parin anak nyo? Pano nyo sila naturuan matulog sa sariling kama?"

Si Jolina Magdangal ay sikat na aktres sa Pilipinas na nagsimula ng career sa ABS-CBN.

Ngayon, Kapuso aktres na siya at active pa rin sa showbiz.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, gigil much sa viral post na nasa gitna ng kalsada ang poste ng kuryente

Netizens, gigil much sa viral post na nasa gitna ng kalsada ang poste ng kuryente

Netizens, gigil much sa viral post na nasa gitna ng kalsada ang poste ng kuryente
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel