Jolina Magdangal inalalayan ni Pele sa paglalaba, super proud naman ang buntis na ina

Jolina Magdangal inalalayan ni Pele sa paglalaba, super proud naman ang buntis na ina

- Buntis ngayon si Jolina Magdangal sa asawa niyang si Mark Escueta

- Nag-post ang aktres ng larawan na tinutulungan siya ng 4-years-old na si Pele

- Sinabi ng nanay na ready na nga maging kuya ang anak niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buntis si Jolina Magdangal sa asawang si Mark Escueta at sa kalakihan ng tiyan niya, mukhang malapit na rin siyang manganak.

Nalaman ng KAMI na ang panganay na anak ni Jolina na si Pele ay 4-years-old na at ito'y magiging kuya niya.

Nag-post ang buntis na mamshie ng picture na naireport sa Definitely Filipino, kung saan makikitang inaalalayan siya ng anak sa paglalaba.

Sabi ni Jolina, dahil daw malaki na ang tiyan niya ay di na siya maglalaba at washing machine na lang.

Pero okay naman kasi tinutulungan siya ni Kuya Pele sa paglalaba ng mga bagong lampin ni Vika.

Lalabas na raw anytime si Baby Vika at mukhang ready na rin maging kuya si Pele.

"Dahil malaki na ang tiyan, ‘di na ako makakalaba kaya washing machine na lang pero gusto ko ako pa rin ang gumawa. Tinulungan ako ni Kuya Pele malabahan ang mga bagong lampin ni Vika. Inaayos na namin ang mga gamit ni Vika dahil anytime na sya lalabas,” pagbabahagi niya.

“Hangga’t makakapag-bonding kami ni Pele sa kahit anong bagay gagawin ko para makapag-enjoy pa kami nang kaming dalawa lang. Hay, naku, ‘eto na naman ang senti mode ni buntis."

Shinare rin ni Jolina na nag-breastfeeding seminar daw sila para marefresh naman siya sa pagbebreastfeed.

Si Jolina Magdangal ay sikat na aktres sa Pilipinas na nagsimula ng career sa ABS-CBN.

Ngayon, Kapuso aktres na siya at active pa rin sa showbiz.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula

Mader Sitang at Vice Ganda, posibleng magkasama sa isang pelikula
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel