Eddie Garcia ‘pumanaw’ daw noong gabi ng May 21, ‘nabuhay’ muli kinaumagahan

Eddie Garcia ‘pumanaw’ daw noong gabi ng May 21, ‘nabuhay’ muli kinaumagahan

- Biktima na naman ng isang death hoax si Eddie Garcia

- Gabi ng May 21 nang may kumalat na balitang pumanaw na ang beteranong aktor

- Umaga ng May 22 at naconfirm na buhay na buhay ang octogenarian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabiktima na naman ang beteranong aktor na si Eddie Garcia ng isang "fake news" o dapat tawaging "death hoax."

Nalaman ng KAMI na noong May 21 ng gabi, may kumalat na balita na pumanaw na raw ang octogenarian.

Kinabukasan ng umaga, naireport na hindi daw totoo ang mga balita dahil si Manoy Eddie ay nasa shooting.

Eddie Garcia ‘pumanaw’ daw noong gabi ng May 21, ‘nabuhay’ muli kaninang umaga

Eddie Garcia ‘pumanaw’ daw noong gabi ng May 21, ‘nabuhay’ muli kaninang umaga (Photo: pep)

HIndi ito ang unang pagkakataon na nabiktima ang aktor ng isang death hoax.

Sa report ng PEP, sinabing noong 2012 ay napabalita rin pumanaw na si Ka Eddie.

Si Eddie na rin mismo ang nagsabi kung ano ang gusto niyang mangyari kung mamamatay siya.

Eddie Garcia ‘pumanaw’ daw noong gabi ng May 21, ‘nabuhay’ muli kaninang umaga

Eddie Garcia ‘pumanaw’ daw noong gabi ng May 21, ‘nabuhay’ muli kaninang umaga (Photo: abs)

"Ako kasi, pag namatay ako, wala nang makakaalam, e.

"Gusto ko from death bed, diretso sa crematorium, 'tapos may kaibigan akong piloto, itatapon yung ashes ko sa dagat, sa Manila Bay.

"That's it. No obituaries.

"It's not a joke. I already paid for my cremation. A

"yoko ng fanfare, e. Tutal ganun lang iyan, after your death, pagkakaguluhan ka.

"After a year, wala na, so what's the use?" ang realistic na pahayag ni Eddie.

Si Eddie Garcia ay isa sa mga pinakarespetadong beteranong aktor sa bansa.

Parte siya ngayon ng Ang Probinsiyano sa Dos.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Former ‘Darna’ Vilma Santos confesses about Liza Soberano’s portrayal of the superhero role

Former ‘Darna’ Vilma Santos confesses about Liza Soberano’s portrayal of the superhero role

Former ‘Darna’ Vilma Santos confesses about Liza Soberano’s portrayal of the superhero role
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel