Bonggang cute throwback pictures ng mga sikat at nirerespetong mga artista kilalanin

Bonggang cute throwback pictures ng mga sikat at nirerespetong mga artista kilalanin

- Nakasilip ang KAMI ng mga bonggang throwback pictures ng mga sikat at nirerespetong mga artista sa showbiz.

- Una naming nakita ang isang lumang litrato na binahagi ng website na 'Push,' galing ito sa Instagram account ng isang sikat na child superstar noon.

- Ang larawan ay parang family picture noong mga bata pa itong mga sikat na mag-pipinsan at kamag-anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakagiliw tingnan na makakita ng mga lumang litrato lalo na't tumatanda tayo.

Bago pa ang mga sikat sa henerasyon ngayon, may nauna ng sumikat at nagtayo sa industriya ng mga artistang Filipino.

Sila lang naman ang isa sa mga dahilan bakit lumaki at lumago ang industriya ng showbiz.

Ang pamilyang Muhlach ay masasabing isa sa mga haligi ng industriya ng artistang Filipino.

Nag-umpisa sa kanilang Tita na si Ms. Amalia Fuentes, na kilala sa henerasyon nya na 'The Queen of Philippine Movies,' at sinundan nila Nino Muhlach, Aga Muhlach, Liezel Martinez, Almira Muhlach at Arlene Muhlach.

Si Nino Muhlach ang nagshare ng kanilang mga cute na throwback pictures na talaga namang kinilig kami.

Isa sa mga snaps na shinare ng dating child superstar ay ang litrato sa taas na shinare ulit ni Aga Muhlach.

Makikita sa litrato sila si Arlene, Nino, Aga, at ang yumaong si Liezel Martinez.

Shinare din ni Onin ang picture na ito sa taas na kasama ang kanyang ate Liezel Martinez na yumao noong March 14, 2015 dahil sa sakit na cancer.

Kahit noong bata pa ay talaga namang napakaganda ni Liezel kaya naman nabighani sa kanya ang isa sa mga pinakagwapo na bagets noong unang araw at ang isa sa mga pinakagwapong batikang aktor na si Albert Martinez.

Noong unang buwan, shinare din itong litratong ito sa taas ni Nino Muhlach na kasama niya si Aga noong mga bata pa lang sila.

Sa caption ni Onin, ito pala ay sa isang pelikula nila noong 1979 na blockbuster sa takilya ang 'Juan Tamad Jr.' na top-billed nya.

Pero itong larawan sa taas ang talagang nakakuha ng atensyon ng website na 'Push.'

Fineature nila ito sa kanilang site at talaga namang di pwedeng di pansinin dahil ang cucute ng nga Muhlach cousins.

Ang nasa picture ay silang apat na magpipinsan na sina Onin o Nino Muhlach, Aga Muhlach, Arlene Muhlach at ang yumaong si Liezel Martinez.

Si Aga at Arlene Muhlach ay magkapatid at pinsan nila ang 'Child Wonder of the Philippines' na si Nino Muhlach at ang yumaong Liezel Martinez.

Si Liezel ay anak ni Amalia Fuentes ang dating reyna ng pelikulang Filipino at asawa ni Albert Martinez at ina nila si Alyanna, Alfonso, at Alissa.

Visit BeKami YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel