Ilang bisita sa Royal wedding nina Prince Harry at Meghan Markle, binibenta ang giveaways sa halagang 70,000PHP

Ilang bisita sa Royal wedding nina Prince Harry at Meghan Markle, binibenta ang giveaways sa halagang 70,000PHP

- May ilang maswerteng miyembro lamang ng publiko ang naimbitahan upang masaksihan ang kasalan nina Prince Harry at Meghan Markle noong Mayo 19

- Sila ay nag-uwi din ng goodie bag o giveaways mula sa kasal

- Ilang araw matapos ang Royal wedding, ang mga goodie bag na ito ay naglipana at binebenta online sa halagang katumbas ng 70,000PHP

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lingid sa kaalaman ng nakararami, may ilang mga mula sa publiko ang naimbitahn di sa pag-iisang dibdib nina Prince Harry at Meghan Markle sa St. George's Castle sa Windsor Castle noong Mayo 19.

Nalaman ng KAMI na ang mga naging bisita na ito ay nag-uwi ng 'goodie bags' o giveaways na naglalaman ng "order of service", chocolate coin na may initials ng couple, shortbread, fridge magnet, bottled water at voucher na may 20 percent off sa Middle Ward gift shop sa Windsor.

Lahat ng ito ay nakasilid sa isang blue at beige na tote bag na may monogram din na HM o initials ng Royal couple.

Sa ngayon, may ilang naka-post na sa eBay ang bentahan na umaabot daw sa manumbas na 14,000 hanggang mahigit na 15,000PHP.

"a piece of history and memorabilia to celebrate a momentous special day for Britain and the royal family," has winning bid of £200 (P14,042.05) while another is going for £215 (P15,095.20).

Samantala ang ilan naman sa mga nagbebenta at di lamang nangangailangan ng pansarili pera dahil ang ilan naman ay naisipang gawing fund-raising ito para sa isang charity.

Katunayan, umabot na ang bidding sa halagang £1,020 o 71,614.46PHHP habang ang isa namang bid ay umabot na £510 o 35,807.23PHP.

Samantala, di lamang mga goodie bags ang napala ng publikong ito. Ang 600 na kataong mapalad na nasaksihan ang kasal nina Prince Harry at Meghan ay nakasama sa lunchtime reception at nakakain ng Scottish langoustines wrapped in smoked salmon, tomato at basil tartare with balsamic pearls, at warm asparagus spears with mozzarella and tomatoes bago kumain ng slow-roasted pork belly at pea and mint risotto.

Samantala, ang pag-iisang dibdib na ito ni Prince Harry kay Meghan ay isang senyales ng pagiging moderno ng monarkiya ng Royal family ng England.

Si Meghan ay mula sa African-american na ina at Mexican na ama Kaya siya ang kauna-unahang 'biracial' na makakabilang sa Royal Family.

This prank will make your day! BBOOM BBOOM Dancing Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel