Bunsong anak ni Pangulong Duterte at 2 apo, nabakunahan din ng Dengvaxia

Bunsong anak ni Pangulong Duterte at 2 apo, nabakunahan din ng Dengvaxia

- Nabakakunahan din pala ng ontrobersyal na Dengvaxia vaccine sina Kitty Duterte, bunsong anak ng Pangulong Rodrigo Duterte at 2 anak ni Paolo Duterte

- Kinumpirma ni Special assistant to the president na si Bong Go ang pagkakabakuna sa 3

- Ayon sa DOH tinatayang 891,000 na kabataan may edad na 9 pataas ang naturukan ng Dengvaxia mula nung Abril 2016

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kimumpirma ng Special Assistant to the president na si Bong Go na nabakunahan pala si Kitty Duterte bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte at 2 anak ni Paolo Duterte ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Nalaman ng KAMI na tinanong di umano ni Bong Go sa ina ni Kitty at ina rin ng 2 anak ni Paolo kung pati ang tatlong bata na may edad siyam pataas ay naturukan din.

“May nagtanong kanina kung na-inject daw ba si Kitty at ‘yung dalawang anak ni Paolo, kinon-firm naman po ng mga nanay nila na positive po na-inject po sila,”

Si Veronica "Kitty" Duterte ang nag-iisang anak ng Pangulo common-law partner Honeylet Avanceña habang ang anak naman ng Pangulo na si Paolo ay may limang anak.

Samatanla, ayon sa GMA network news, mula nung Disyembre, pinahinto na ng DOH ang pagbibigay ng Dengvaxia sa mga kabataan na may edad 9 pataas dahil na rin sa natuklasang epekto nito na maaring mapasama pa ang mabibigyan nito na di pa dinapuan ng Dengue.

Ayon na rin sa DOH, tinatayang 891,000 na kabataan ang naturukan ng Dengvaxia sa Metro manila, Central Luzon, Calabarzon at Cebu mula pa oong una itong ilunsad noong Abril 2016.

Mula sa bilang na ito, naitalang 87 na mga bata ang namatay dahil sa Dengue at at iba pang karamdaman na nabanggit ng DOH sa isang house Inquiry nooong Mayo 22.

Dagdag pa ng DOH aabot pa sa 40,000 na nabakunahan ang maaring magkasakit at maging in-patient habang nasa 300,000 ang maaring maging out-patient sa susunod na dalawang taon.

In this episode of BeKami, amazing Chrystalle, a fitness trainer from the Philippines, will show you three easy exercises you can do at work. 3 Easy Exercises You Can Do at Work with Chrystalle | BeKami on KAMI Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarap maging beshie niya! Korina Sanchez says she can't afford Gucci bag, so Vicki Belo gives her one

Sarap maging beshie niya! Korina Sanchez says she can't afford Gucci bag, so Vicki Belo gives her one

Sarap maging beshie niya! Korina Sanchez says she can't afford Gucci bag, so Vicki Belo gives her one
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel