Heart Evangelista, lubhang binahala ang maraming netizens patungkol sa safety ng kanyang pagbubuntis

Heart Evangelista, lubhang binahala ang maraming netizens patungkol sa safety ng kanyang pagbubuntis

- Maraming netizens ang nagpahayag ng concern para kay Heart Evangelista

- Dahil alam na ng karamihan ang tungkol sa pagbubuntis niya, nagbibigay ang iba ng payo para sa aktres

- Pero mukhang desidido siyang ipagpatuloy ang ginagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May napansin ang mga netizens kay Heart Evangelista na labis nilang ikinabahala kaya naman pinayuhan nila ang aktres tungkol dito.

Nalaman ng KAMI na marami ang nakapansin sa high-heeled boots na suot niya noong dumalo siya sa MYX Music Awards na ginanap noong Martes, May 15.

Makikita sa video na ito ng The Pinoy Channel ang pagrampa ni Heart sa red carpet ng MYX Music Awards habang suot ang agaw-pansin niyang high-heeled na boots.

Ayon sa ulat ng PEP, ang purple dress na suot ng Kapuso actress sa MYX event ay gawa ng designer na si Popo Go.

Watch the video below:

Maraming netizens ang nagpahayag ng pag-aalala sa aktres at sinabing mas maganda na huwag na muna siya magsuot ng sapatos na sobrang taas ang heels dahil delikado raw ito sa isang buntis.

Pero meron ding nagtanggol kay Heart at sinabing alam niya ang kanyang ginagawa kaya hindi siya dapat pangunahan.

Read some of the comments from netizens below:

"but always careful madam"

"Always be careful my idol @iamhearte and your baby"

"Be careful not to slip..."

"Basta lang mapansin, kahit delikado."

"ingat :) dpt d kn mna mag mtaas ste heart pra sure"

"reminder.. no hi-heels throughout ur pregnancy… tc from ur 65yo granny fan."

"I saw from one of your vids that you dont wear flats, now that you’re pregnant you should start wearing them."

"Miss heart bawasan na po ang pag hiheels masama kay baby yan.. Ingatan po ang sarili parati and godbless"

"Oh dear, here comes the unsolicited how-to-be-pregnant advice. Please people, give the pregnant lady a break! Heart and the baby is well taken cared of by a doctor if not a team of doctors."

"I bet alam niya ginagawa niya at kilala niya sarili niya...sah daming artistang nagheels kahit buntis wala namang ngyari..HND kah concern pakiaalamira LNG sah isang buntis nagmamarunong"

Sa Instagram story ni Heart shinare niya ang photo ng kanyang Azzedine Alaia's Chunky Ankle Boots, na ayon sa report ay nagkakahalaga ng $1,200 o PHP63,000. "Those asking I was wearing @azzedinealaiaofficial... Sooo comfy"

Heart Evangelista, hindi sumunod sa payo ng mga netizens patungkol sa kanyang pagbubuntis

Heart Evangelista, hindi sumunod sa payo ng mga netizens patungkol sa kanyang pagbubuntis (Screenshot: PEP)

"So comfy I walked around Paris wearing them 2016," dagdag pa niya.

Heart Evangelista, hindi sumunod sa payo ng mga netizens patungkol sa kanyang pagbubuntis

Heart Evangelista, hindi sumunod sa payo ng mga netizens patungkol sa kanyang pagbubuntis (Screenshot: PEP)

Tiniyak naman ni Heart na pinayagan siya ng kanyang doktor magsuot ng komportableng high-heeled na sapatos, "Oh and don't worry doctor said yes to heels since my body is trained to wear them before getting pregnant."

Heart Evangelista, hindi sumunod sa payo ng mga netizens patungkol sa kanyang pagbubuntis

Heart Evangelista, hindi sumunod sa payo ng mga netizens patungkol sa kanyang pagbubuntis (Screenshot: PEP)

Kinasal si Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay meron ng dalawang anak sa una niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Isang araw bago ang Mother's Day ay isinapubliko ni Heart ang kanyang pagbubuntis. Ipinaalam din niya na dapat ay kambal ang kaniyang pinagbubuntis, ngunit nawala na ang isa dito dahil sa tinatawag na "Vanishing Twin Syndrome."

Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "Boom Boom". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. This prank will make your day! Just feel it, bboom bboom…

BBOOM BBOOM Dancing Challenge - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Grabeng PR daw ginawa! Dr. Ging Racaza parang di makapaniwala sa kwento ni Liz Uy sa interview tungkol sa pagbubuntis at dating asawa

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel