Nakakaiyak talaga! Vice Ganda, may pangako para sa madlang people

Nakakaiyak talaga! Vice Ganda, may pangako para sa madlang people

- Sa pagbabalik ni Vice Ganda sa 'It's Showtime' meron siyang binitawang pangako sa madlang people

- Sinabi din niya ang tungkol sa mga na-realize niya sa buhay kamakailan lang

- Maraming netizens ang naiyak at natouch sa mensahe niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May madamdaming mensahe si Vice Ganda para sa madlang people sa kanyang pagbabalik sa 'It's Showtime'.

Nalaman ng KAMI na kakabalik lang ni Vice ng bansa galing Canada para sa kanyang concert tour na "Pusuan mo si Vice Ganda".

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, malaki ang naitulong kay Vice ng pagpunta niya sa ibang bansa. Bukod sa muli niyang nakita ang ganda ng buhay, ay nalabanan din niya ang lungkot na pinagdadaanan.

"My purpose is to make people laugh. Ang mga matatanda, makakalimutan nilang may sakit sila. Para 'yung mga nanay at tatay na gusto nating makasama ay humaba pa ang buhay. Para 'yung mga millennials na nadi-depress at naisip nilang magpakamatay ay ma-realize nilang masaya pa pala ang buhay," ani Vice Ganda na sinabing 85% ng mga nanonood sa nagdaang concert ay mga senior citizens."

Nagbitiw din siya ng pangako sa kanyang mga fans na hindi siya magki-quit kailanman at magpapatuloy sa pagpapaligaya ng maraming tao.

"I found my purpose and now I vow that I will not quit. I will continue to make everyone happy. Because for as long as you are happy, I am happy. I am serving you and I'm serving God. I love my life. Ang saya ko ngayon kaya gusto kong pumasok agad kasi gusto kong i-share ang saya ng puso ko."

Watch the video below:

Maraming netizens ang naiyak sa mensahe ni Vice. Nagpapasalamat din sila sa kanya dahil siya raw ang pinaghuhugutan nila ng saya lalo na pag meron silang problema.

Read some of the comments from netizens below:

"This video made me cry thank you so much for making me realize that thing vice 'pinapaniwala ng demonyo na malungkot ako para mag quit ako' love you vice"

"Thank you ate Vice for this message. This really helps me also to continue working and searching my real purpose in life. Thank you"

"Malungkot kya ang showtime pg wala ka vice.."

"tbh, tuwing nalulungkot talaga ako. I open my laptop,go to youtube and search vice ganda funny moments on showtime. thank you ate vice! you're the only one!"

"Na iyak ako kasi isa ako sa pinapasaya ni vice. At isa rin akong sa taong depressed grabe mga nararamdaman ko. Nakakalimutan ko mga problema ko. Slamat ky God na tinulungan nya si vice mag cheer up"

Jose Marie Borja Viceral, o mas kilala bilang Vice Ganda, ay isa sa mga regular hosts ng noontime show sa ABS-CBN na It's Showtime. Noong mga panahong hindi pa sikat si Vice ay nagsimula siya bilang isang stand-up comedian sa Punchline at The Library.

Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "Boom Boom". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. This prank will make your day! Just feel it, bboom bboom…

BBOOM BBOOM Dancing Challenge - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant

Twitter rant! PBA’s JC Intal rants online. Netizens react to his rant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel