Sam Milby nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang mga piling kaibigan

Sam Milby nagdiwang ng kanyang kaarawan kasama ang mga piling kaibigan

- Isang video ng nasabing birthday dinner para sa kaarawan ni Sam Milby ang nakita ng KAMI sa 'YouTube.'

- Kasama ni Sam ang mga piling kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz pero may isang fan ang nagtanong bakit wala ang isang kilalang aktres sa birthday ng gwapong binata.

- Hindi maikala ng marami na sina John Prats, Sam Milby, at Angelica Panganiban ay mga kaclose niya sa showbiz pero wala sa okasyon ang nasabing aktres at parang wala din pa namang bagong babae sa buhay ng gwapong aktor.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang video na nasagap namin sa 'YouTube' nagsabi na nagdiwang daw ng 33rd birthday si Sam Milby kasama ng mga kaibigan.

Sa 'Wikipedia,' ang birthdate ni Samuel Lloyd Milby nakilala bilang Sam Milby ay sa May 23, 1984, kung susumahin natin ay 34 years old na si Sam dapat ngayong taong ito.

Sa pagkita namin sa video dalawa lang ang taga showbiz na umatend sa nasabing birthday dinner nga aktor.

Unang nakilala si Sam Milby bilang housemate ni kuya sa 'PBB,' at sumikat ito ng magtambal sila ni Toni Gonzaga para sa pelikulang 'You Are The One' na tumabo talaga sa takilya.

Ngayon si Toni Gonzaga ay masaya na kasama si Paul Soriano at ang kanilang anak na si Seve.

Dati ding sumikat ang tambalang Sam Milby at Anne Curtis na from reel ay naging real.

Gaya ni Toni, si Anne ay masaya na rin sa buhay asawa kasama si Erwan kaya nung nalaman ng mga fans na nakahanap na siya ng 'the one' sa katauhan ni Mari Jasmine ay talagang nagsaya sila.

Pero kalaunan nabalitang hiwalay na din sila.

Ngayon parang single pa rin ang gwapong aktor at sa kaarawan niya sinamahan pa rin sya ng kanyang mga piling kaibigan sa showbiz.

Hindi present si Angelica Panganiban sa kaganapan kaya may fan na nagtanong dahil alam naman ng lahat na magkakaibigan silang tatlo ni John Prats.

"HAPPY 33rd BIRTHDAY SAMUEL MILBY(emoji)BAKIT WLA SI ANGELICA?"

Pero sa dami sigurong ginagawang projects ni Angelica kaya hindi sya nakapunta.

Nagshare naman ang matalik na kaibigan at business partner na si John Prats ng isang picture sa nasabing kaarawan.

Kasama nilang magcelebrate si Moira Dela Torre na kaka-engaged pa lang sa kanyang nobyo na nasa larawan din sa itaas.

Nagkatrabho ang tatlo sa successful music video at concert ni Moira kaya hindi na kakagulat na maging matalik na magkaiban sila.

You can watch the video below for the said birthday dinner.

Happy Birthday, Sam!

Check out more HumanMeter videos

Source: Kami.com.ph

Related news
21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel