Pokwang nanlulumo dahil sa mga taong 'parang humaharang' sa pagbabalik niya sa showbiz

Pokwang nanlulumo dahil sa mga taong 'parang humaharang' sa pagbabalik niya sa showbiz

- Ibinahagi ngayon ni Pokwang na gusto na niyang bumalik ng showbiz

- Kaya lang daw parang may humaharang sa kanya

- Tanong tuloy ng komedyante sa kanila, 'Inaano ko ba kayo?'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-post si Pokwang sa kanyang Twitter account ng isang malungkot na mensahe. Dito ramdam ang kalungkutan ng aktres dahil sa mga diumano'y "humaharang" sa kanyang pagbabalik-trabaho.

Matatandaang natagalan din na hindi nakapagtrabaho si Pokie dahil sa panganganak at pag-aaalaga sa kanyang baby.

Nalaman ng KAMI na ngayong gusto na ng komedyanteng bumalik sa pagtatrabaho para sa kanyang mga anak, ay parang may mga "humaharang" daw.

"Gusto ko lang naman maghanap buhay ng marangal, at bilang nais ko lang din magbalik hanap buhay para sa mga anak ko, bakit parang may humaharang?

“Inaano ko ba kayo? Kaka lungkot naman.”

Hindi naman pinangalanan ng aktres ang mga taong tinutukoy niya, base sa report ng PEP.

Maraming mga netizens ang nagbigay ng suporta sa kanya sa pamamagitan ng kanilang mga mensahe.

Sa Maalaala Mo Kaya episode noong May 12, naging maganda ang unang pagbabalik ni Pokwang sa showbiz pagkatapos niyang manganak.

Si Pokwang ay isang magaling na komedyante sa Pilipinas.

Dalawa na ngayon ang anak na babae ni Pokie, si Ria Mae at si Baby Malia.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Parang ‘di artista! Sylvia Sanchez, proud sa kakaibang bonding nila ng pamilya

Parang ‘di artista! Sylvia Sanchez, proud sa kakaibang bonding nila ng pamilya

Parang ‘di artista! Sylvia Sanchez, proud sa kakaibang bonding nila ng pamilya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel