Litrato ng isang babaeng nurse nakaupo sa hagdanan ng pampasaherong jeep pinag-uusapan

Litrato ng isang babaeng nurse nakaupo sa hagdanan ng pampasaherong jeep pinag-uusapan

- Nagviral ngayon ang litrato ng isang babaeng nurse na nakaupo sa hagdanan ng pampasaherong jeep.

- Nakita ng KAMI ang nasabing litrato sa 'Definitely Filipino' page at nalaman namin ang kuhang litrato ay galing sa Iloilo.

- Ayon sa kwento, ito daw ang nakakalungkot sitwasyon sa ating pampubliko na sasakyan at ang nakakalungkot na katotohanan sa maaring peligro sa buhay ng mga pasahero.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa nakakabahalang balita, ang mga litrato na ito ay galing sa isang video sa Facebook ng isang user na nakatira sa Iloilo.

Sa mga litrato, makikita mo ang paghihirap na pinagdaanan nga mga commuters araw awat at sa viral video na eto, ang kanilang binigyang pansin ang mga nurses na nakaupo sa hagdanan ng pampasaherong jeep dahil punong puno na ang sasakyan.

Dahil sa pagod sa trabaho sa hospital, napipilitan umano ang nurse na babae na maupo na lamang sa hagdanan ng jeep kahit itoy delikado para lang makauwi at makapaghinga.

Kailangang makauwi ng maaga dahil maaga namang gigising bukas at magtatrabaho na naman.

Mas maagang gumising, mas malaki ang pagkakataon na makasakay at hindi mahuli sa trabaho.

Nakakaawang tingnan ang sitwasyon sa isang babaeng nurse na umupo sa hagdanan pagkatapos ng buong araw na pagtatrabaho sa hospital.

Ito ang nais sigurong ipahiwatig ng isang Facebook user na nagshare ng video na eto.

Nakakalungkot isipin na kailang nilang pagdaanan ang sitwasyon sa transportasyon pagkatapos mag alaga ng isang buhay sa hospital.

Hindi din maiiwasan na tayo ay masaktan sa pagkakita ng ganitong sitwasyon sa ating pamayanan.

Sana nga lang dating ang araw na wala ng taong mahihirapan pang magbiyahe patungo at pabalik sa trabaho.

Ngayon naging viral ang Facebook post na ito.

Check out more HumanMeter videos

Source: Kami.com.ph

Related news
'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel