Wedding gown ni Meghan Markle, mas mura pa rin kumpara sa gown ni Kate Middleton

Wedding gown ni Meghan Markle, mas mura pa rin kumpara sa gown ni Kate Middleton

- Napabalitang tumataginting na $430,000 o P22,450,945 ang Royal wedding gown ng Duchess of Sussex na si Meghan Markle

- Mas mahal pa rin ang Royal wedding gown ni Kate Middleton na nagkakahalaga ng ilang libo pa kumpara kay Meghan

- Sinasabing 'Royal Etiquette' daw ito kaya sinadyang mas mura ang halaga ng gown ni Meghan kaysa kay Kate noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging tayong mga Pinoy ay nag-abang at nanood sa Royal Wedding nina Prince Harry at Hollywood actress Meghan Markle noong Sabado, Mayo 19.

Agaw pansin ang simpleng Givenchy gown ng Duchess of Sussex na nagkakahalaga ng $430,000 o 22,450,945PHP.

Nalaman ng KAMI na kahit milyon milyon ang halaga ng gown ni Meghan, mas mura pa rin pala ito kumpara sa Royal wedding gown ni Kate Middleton nang ikasal sila ni Prince William.

Ayon sa female network, bahagi daw ng Royal Etiquette na dapat di mas mamahal ang halaga ng wedding gown ni Meghan kumpara sa isinuot noon ni Kate.

Ang wedding gown ni Kate ay nagkakahalaga ng $434,000 or P22,659,791, mas mahal ng $4,000 ito kumpara sa halaga ng gown ni Meghan.

Nilarawan na isang 'timeless piece' ang nasabing gown ng Duchess of Sussex sapagkat pinili niya ang simple at classic na disensyo.

"I have the luxury of wearing beautiful pieces of clothing every day for work, so my personal style—wedding or not—is very pared down and relaxed. Classic and simple is the name of the game, perhaps with a modern twist," paliwanag ni Meghan.

Wedding gown ni Meghan Markle, mas mura pa rin kumpara sa gown ni Kate Middleton

image: the wildflowers

Ang simple at eleganteng gown na ito ay gawa ng designer na si Claire Waight Keller ang unang babaeng artistic director ng Givenchy.

Sinunod din ni Meghan ang mga pamantayan sa disenyo ng isang Royal wedding gown na dapat ito ay long sleeves, walang nagpapakita ng balikat at lalo na ang mababang 'neckline'.

Samantala, ang pag-iisang dibdib na ito ni Prince Harry kay Meghan ay isang senyales ng pagiging moderno ng monarkiya ng Royal family ng England.

Si Meghan ay mula sa African-american na ina at Mexican na ama Kaya siya ang kauna-unahang 'biracial' na makakabilang sa Royal Family.

Si Meghan din ang kauna-unahang magdadala ng pangalan na Duchess of Sussex.

This prank will make your day! BBOOM BBOOM Dancing Challenge | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Manny Pacquiao nakapagpagawa ng isang libong bahay para sa kanyang kapwa Filipino

Manny Pacquiao nakapagpagawa ng isang libong bahay para sa kanyang kapwa Filipino

Manny Pacquiao nakapagpagawa ng isang libong bahay para sa kanyang kapwa Filipino
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel