Domestic helper, nag level up sa Japan bilang professional housekeeper

Domestic helper, nag level up sa Japan bilang professional housekeeper

- Good news ngayon, mga Filipino na domestic helper maglelevel up bilang professional housekeeper sa 'Land of the Rising Sun.'

- Ngayon ilang Pinoy ay nagsasanay para makatrabaho sa Japan hindi bilang domestic helper pero bilang professional housekeeper.

- Kasama sa training nila at pag-aaral ng salita ng Japan at kultura nila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nalaman namin ang balitang eto sa 'GMA News,' at ayon sa kanilang balita na ang domestic helper ay level-up na sa Japan bilang professional housekeeper.

Ayon sa balita, walong oras lang ang kanilang trabaho at malaki pa ang sahod na makukuha nila.

Kaya ngayon maraming mga Filipino ang nagsasanay sa pag asa na maisama sa maipapadala sa Japan.

Dagdag pa sa ulat, ilang 'OFW' nating mga kababayan na dating nagtrabaho sa Kuwait bilang domestic helper ay kabilang sa mga nagsasanay.

Upang maihandang mabuti ang Filipino na nagsasanay bilaing professional housekeeper sa Japan, sila ay nagtraining sa isang tipikal na traditional na bahay sa bansang Hapon.

Ang pagsasanay nila ay ginagawa para maging pamilyar sila sa klase ng bahay na kanilang lilinisin sa Japan.

Ayon pa sa paliwanag sa presidente ng 'Magsaysay Center for Hospitality and Culinary Arts:'

"It's also important that they understand the culture of the Japanese people so that they can assimilate their day to day life.

Inihayag naman ng 'Global Huma Resource, Senior Manager, Nichii Gakkan Co. Ltd.' na si Ritsuko Ito ang kanyang paghanga sa manggagawang Filipino.

Saad pa niya:

"Filipinos have brightness like the sun, and the friendliness loved by all. Most of all I have taken note of the Filipinos exceptional motivation for work."

At ayong naman ng 'Deputy Adminstrator Philipppine Overseas Employment Administration' na si Jocelyn Sanchez, ang Japan ay ang alternatibong bansa para sa mga overseas Filipino workers.

"Ito 'yung alternative market natin, na what I'm saying 'yung mga domestic workers natin na gustong-gusto du'n sa middle east eh of course mas gusto nila dito."

Ayon sa balita, mataas ang sahod ng mga professional housekeeper, nasa P40,000 to P55,000, at ang pinaka importante na gusto ng mga OFW ay hindi sila 'stay-in.'

At kung sosobra naman sila sa walong oras na trabaho, magkakaroon silang ng over time pay.

Check more videos on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay

Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay

Good news! Lahat ng empleyadong Pinoy na papasok sa August 21, makakatanggap ng double holiday pay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel