Kim Chiu nag-enjoy sa pamamasyal sa ibang bansa at nagshopping pa ng bongga

Kim Chiu nag-enjoy sa pamamasyal sa ibang bansa at nagshopping pa ng bongga

- Nasa abroad ngayon si Kim Chiu kasama ang kanyang pamilya at kaibigan sa showbiz.

- Sa isang social media post niya, nagshare siya ng video sa kanyang pamamasyal sa San Francisco.

- Halatang nag eenjoy ang dalaga sa pamamasyal kasama ang mga kaibigan at nagshopping pa ng bongga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Unang nakita ng KAMI ang video sa 'YouTube.'

Parang kailan lang nang nanalo si Kimberly Sue Yap ng 'Pinoy Big Brother' bago maging Kim Chiu ngayon.

Ngayon, isa na siya sa pinakasikat at kilalang artista sa bansa at sa katunayan meron siyang more than four million na followers sa Instagram.

Sa Instagram posts ni Kim pinakita niya sa kanyang milyon na tagahanga kung saan saan sya punta at talagang nakakainggit.

Base sa kanyang mga captions at video clips, nandun sa ibang bansa ang dalaga para sa isang business commitment.

At hindi lang yun, bumisita din siya sa kanyang kapatid kasama ng kanyang pamilya.

Makikita mo talagang nag eenjoy ang dalaga at bonggang bongga ang kanyang pamamasyal.

Hindi rin natin maikailala ang kasiyahan sa mukha ng dalaga sa pamamasyal na sa ibat ibang lugar.

Madaming pinuntuhan ang dalaga kagaya sa Canada na kung saan saan sya namasyal kasama ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Para yatang nahuhumaling na sa kanya ang pagmamasyal at gumaganda pa lalo siya ngayon sa pictures at video clips na pinapakita niya sa kanyang Instagram followers.

Isa sa mga lugar na pinuntahan nya ang ang San Franciso, California kung saan nagshare siya nang video na namamasyal sa mga boutiques at pasyalan sa lugar.

Pinakita din na nagshopping siya ng bonggang bongga kasama ang mga cute na chikiting.

Kahit mga fans niya hindi maiwasan na magcomment sa kanya dahil sa kaligayahan at pag eenjoy nya sa pagmamasyal at pagshopping.

Eto ang ilang mga komento.

"kim. ano ang nabili mong shoes?"
"Happy for you kim coz u have a many friends even out of the country marami talaga ng mamahal sayo"
"Kasabay ko lang sya dati mamili sa baclaran ng ukay ukay ngayon ibang level n sya"
"Kimmy i heart u po"

Talaga ngang malayo na ang narating ni Kim Chiu at dahil din yan sa kanyang pagtitiyaga at paghihirap sa trabaho.

Ika nga:

"Hardwork pays off."

At maligaya kami para kay Kimmy!

Check out BeKami videos

Source: Kami.com.ph

Related news
'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'

'Forever Gilas!' Puso ang bigay ni Marc Pingris para sa 'Gilas Pilipinas'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel