Larawan ng campus heartthrob at shy girl na nagsasayaw sa kanilang Prom night, nagviral

Larawan ng campus heartthrob at shy girl na nagsasayaw sa kanilang Prom night, nagviral

- Nireserba ng isang cute at sikat na guy sa kanilang campus ang huling sayaw niya sa gabi ng JS Prom nila sa isang espesyal na babae ng eskwelahan

- Napansin ni Chris Tutor na walang sumasayaw kay Lorraine na nasa isang sulok lang ng gabing iyon kaya naglakas loob siyang ibigay ang huling sayaw niya para rito

- Ayon kay Chris, ayaw lamang niyang makakita ng iba niya kaeskwela na habang ang iba ay nagsasaya, nasa isang sulok lamang gaya ni Lorraine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagviral ang larawan ng teeange guy at girl na magkasayaw sa kanilang JS Prom night.

Agaw pansin ito sapagkat heartthrob ang lalake habang ang babae naman ay di gaanong pansinin.

Sa unang tingin, iisipin talaga ng iba na bakit kaya nakuha pang isayaw ng gwapong lalake ang babaeng iyon lalo na sa isang espesyal na gabi pa para sa mga kabataan, ang JS Prom.

Nalaman ng KAMI na ang teeange guy pala na ito ay Chris Tutor na consistent honor student ng kanilang paaralan, editor-in-chief ng kanilang school paper, at President ng student council.

Nangangahulugan lamang na sikat at agaw pansin talaga si Chris sa kanilang campus.

Ngunit gaya ng ibang kabataan, kahit gaano kaganda ang career ni Chris sa eskwelahan, nakararanas din siya ng panunukso, pang-aasar o pambubully.

Si Chris na popular at sikat sa kanilang paaralan ay tinatawag din nilang 'kalansay'dahil sa sobrang payat nito at mula grade 1 hanggang siya ay mag-grade 7.

Ito naman ang madalas maranasan ng kamag-aral niya na si Lorraine.

Dahil madalas siyang lokohin na mukhang 'pinukpok ng pala', mas pinipili na lang ni Lorraine ang mag-isa kaysa makisalamuha sa ibang kabataan na tulad niya.

Sa kabila ng magkaibang mundong ginagalawan, tila ramdam parin ni Chris ang pakiramdam ni Lorraine na kutyain ng iba.

Kaya naman ng napansin ni Chris si Lorraine na nasa isang sulok lamang habang ang iba ay nagsasayawan, nagkakantahan at nagsasaya sa Prom night nila, naglakas loob na si Chris na isayaw si Lorraine bago pa matapos ang gabing iyon.

'Nong gabi pong iyon, naglakas loob na ako lapitan siya at ayaing sumayaw. Kasi parang ang sakit po sa pakiramdam na may makita kang babae na inaayawang isayaw ng ibang lalaki. Tapos ayun po, um-oo naman siya kaya ayun, nagsayaw kami," kwento ni Chris.

Dahil sa ginawang ito ng binata, wala namang pagsidlan ng kaligayahan si Lorraine noon dahil ang popular guy ng kanilang eskwelahan ay isinayaw siya.

Narito ang video na nakuha ng KAMI mula sa Youtube ng Kapusi mo Jessica Soho

"Nung gabing iyon, si Chris lang po ang nagsayaw sakin, hindi ko po inexpect. Kinilig. masaya ganun. Feeling ko walang tao, parang kami lang po," kinikilig na isinalaysay ni Lorraine.

Sa panahon ngayon kung saan ang mga kabataan ay madalas lamang tumitingin sa panlabas na anyo, tunay na kahanga-hanga ang ginawa na ito ni Chris kay Lorraine.

Isa siyang huwaran di lamang ng kapwa niya kabataan ngunit ng maging ng lahat sa pagpapamalas niya ng malasakit sa kapwa.

Kahit manlang sa kanyang munting paraan na makpagsayaw kay Lorraine, nakapagpasaya siya ng isang taong nawawalan na ng tiwala sa kanyang sarili.

This prank will make your day. BBOOM BBOOM Dancing Challenge Meter on KAMI Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga kilalang Pinoy celebs sasali sa Star Bazar na gaganapin sa SM Megamall Event Center

Mga kilalang Pinoy celebs sasali sa Star Bazar na gaganapin sa SM Megamall Event Center

Mga kilalang Pinoy celebs sasali sa Star Bazar na gaganapin sa SM Megamall Event Center
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel