Video ng pagbeso ni Alden Richards kay Liza Soberano sa isang event, nagviral sa social media

Video ng pagbeso ni Alden Richards kay Liza Soberano sa isang event, nagviral sa social media

- Umattend sa 49th Box Office Entertainment Awards sila Liza Soberano, Enrique Gil at Alden Richards

- Nagviral ang video nila Liza at Alden doon sa event

- Mapapanood sa video ang pagbeso ni Alden sa aktres at may ilang netizens na nagbigay ng malisya dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagviral sa social media ang video nila Liza Soberano at Alden Richards.

Nalaman ng KAMI na bumeso si Alden kay Liza sa 49th Box Office Entertainment Awards.

Ayon sa Filipino Vines, nandoon din sa event sila Muhlach, Maja Salvador, James Reid, Nadine Lustre at Enrique Gil, ang loveteam partner ni Liza.

Mapapanood ang pagbeso ni Alden kay Liza sa 3:05 mark ng video na ito:

Kahit halata naman na walang malisya sa ginawa ni Alden, may ilang netizens pa rin ang nagsabing mukha raw nagselos si Enrique sa pagbeso niya sa aktres.

Buti na lamang at karamihan sa netizens ay pinagtanggol si Alden at Liza.

Narito ang kanilang reaksyon:

“HINDI NAMAN SILA NAG AAWAY EH KUNG ANO NAMAN KUNG BUMESO SILA KAY ALDEN LAHAT NG ARTISTA SA ABS-CBN AT SA GMA HINDI NAMAN SILA NAG AAWAY EH PROBLEMA NYO PAANDARIN PO YUNG UTAK PLEASE”

“nakalulungkot na nakaburda na sa ugali ng karamihan sa pilipino ang pagiging malisyoso.”

“naku wag nyong bigyan ng negative issue. professional ang mga yan. Si Alden ang tumayo pAra besohin si Liza at ganyan din ang ginawa nya kay Kathryn nuong nakaraang taon.”

“No big deal yung kiss nuh, lahat naman bingyan ni Liza ng kiss”

Maraming rumors na mag-boyfriend na raw sila Liza at Enrique.

Pero hindi pa umaamin ang dalawang Kapamilya stars.

Mapapanood silang dalawa sa primetime fantaserye na “Bagani.”

Nagpapaalala ang KAMI na hindi dapat lagyan ng malisya ang lahat ng bagay!

Dancing challenge on HumanMeter! Are you ready to see something crazy? Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video – on KAMI Human Meter Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Iza's bridal cartel!" Meet the coolest and most stylish bridesmaids of Iza Calzado

"Iza's bridal cartel!" Meet the coolest and most stylish bridesmaids of Iza Calzado

"Iza's bridal cartel!" Meet the coolest and most stylish bridesmaids of Iza Calzado
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel