Ang sweet! Jennylyn Mercado, ibinunyag ang sekreto sa likod ng kanyang Instagram pictures

Ang sweet! Jennylyn Mercado, ibinunyag ang sekreto sa likod ng kanyang Instagram pictures

- Ibinahagi ni Jennylyn Mercado ang dahilan kung bakit magaganda ang kanyang pictures sa Instagram

- Isa siya sa mga aktres na may nagagandahang Instagram posts

- Ang sikreto umano ay ang kanyang napaka supportive na boyfriend na si Dennis Trillo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nakakapagtaka kung bakit palaging maganda ang mga litratong ibinabahagi ni Jennylyn Mercado sa kanyang Instagram. Bukod kasi sa napaka successful na career sa showbiz, masaya din ang kanyang buhay-pag-ibig.

Sa isa sa mga posts niya, ibinunyag ng aktres na ang kanayng supportive na 'Instagram Boyfriend' na si Dennis Trillo ang kumukuha sa mga pictures niya.

Sa caption ng kanyang ibinahaging picture, isang lalaki na halatang si Dennis Trillo ang may hawak na cellphone at kinukuhanan siya ng litrato.

Sa caption nito kanyang isinulat, "Behind every flawless perfectly composed #OOTD shot, is an Instagram Boyfriend.. #boyfriendoftheyearaward"

Si Jennylyn Mercado ay nakilala bilang isa sa mga magagaling na aktres sa GMA network. Nagsimula siya sa showbiz bilang isang contestant sa talent search ng Kapuso na Star struck kung saan siya ang tinanghal na panalo.

Gayundin si Dennis Trillo na kilala bilang isa sa magagaling na aktor ng Kapuso.Matatandaang nagkahiwalay sina Dennis at Jennylyn ngunit nagkabalikan din.

BBOOM BBOOM Dancing Challenge- on HumanMeter

How would you react when you see a beggar dancing to a viral dance craze? Check out this video and enjoy the reactions of the people watching.

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel