Napaiyak si Ogie Alcasid ng isang 'Tawag' finalist matapos mag-perform ng madamdaming version niya ng 'Narda'

Napaiyak si Ogie Alcasid ng isang 'Tawag' finalist matapos mag-perform ng madamdaming version niya ng 'Narda'

- Trending talaga ang video na ito ng isang 'Tawag ng Tanghalan' finalist na si Janine Berdin

- Kahit si Ogie Alcasid ay napaiyak sa pagkanta niya

- Umani ng napakadaming papuri mula sa mga netizens ang version niya ng 'Narda'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napaiyak si Ogie Alcasid sa isang episode ng 'Tawag ng Tanghalan' (TNT) matapos ang intense na performance mula sa isang finalist.

Nalaman ng KAMI na kinanta ni Janine Berdin ang kantang 'Narda' ng Kamikazee.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, viral na ngayon ang video ni Janine na meron ng mahigit 2 million views. Hindi naman nakapagtataka dahil nakakakilabot talaga ang performance niya.

Habang kumakanta si Janine ay makikita na naiyak si Ogie sa performance nito at sa huli naman ay standing ovation ang lahat ng judges sa kanya.

Watch the video below:

Talaga namang inulan ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang version ni Janine ng 'Narda.' Hanga talaga sila kung paano niya nabigyan ng ibang areglo at atake ang kanta.

Read some of the comments from netizens below:

"Yung version ng Kamikazee, mapaglaro. As in maiintindihan mo yung mga hidden inuendos niya. Yung version ni Daryl Ong, parang kanta ng isang fan sa isang iniidolo. Naghihintay lang ng pagkakataon. Etong kay Janine, masakit. Parang kantang pagsusumamo ng isang umiibig magisa. Unrequited love at hindi humihingi ng kapalit."

"No joke, for the longest time ngayon ko lang nagets yung meaning talaga ng song na Narda.. After all, it's a story of unrequited love and hope despite not being loved back."

"Free Concert sa TNT pag si JAnine nag perform!!!

"Best version ever! Ibang atake! Very deep! Very unique! Ibang meaning yung binigay nya at gusto nyang ideliver! Wew! Grabe! Lupit! Gifted yung bata! Antalino nya pagdating sa music! Alam nya kung anong gusto nya pag dating sa musika! For sure mgaganda ang mga kantang mgagawa neto in the future!"

"What she did is excellently great! She even beat the Original. This isn't a performance, it's a masterpiece!! Thumbs up Janine"

"Legit, I cried and i’m not even a crybaby. This is the first time I understood the meaning of the song."

"Di naman masakit yung narda aah bat ang sakit sakit nung kanta ngayooon huhu"

Nakasungkit ng puwesto sa grand finals ng 'Tawag ng Tanghalan' (TNT) si Janine Berdin dahil sa kanyang nag-gagandahang versions ng mga hit songs. Nakasama din si Reggie Tortugo na taga-Visayas.

Ang TNT ay mapapanood sa noontime show ng ABS-CBN na 'It's Showtime'.

Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "Boom Boom". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines. This prank will make your day! Just feel it, bboom bboom…

BBOOM BBOOM Dancing Challenge - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues

21 Celebs na nagsalita tungkol sa depression at ibang mental health issues
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel